chapter 17

16 1 2
                                    

HEY, MADISON 3

"bye"

Patch POV

"dito kana bababa?"

"yeah thank you sa paghatid, pati sa pagtulong mo sa akin tsaka sorry"

"hmmm okay? celine diba?"

"patch ka diba?" at tumango ako.

"huwag mo sanang ipagsasabi na sinabi ko sayo ang tungkol sa amin ni astro tsaka pwede mong bawiin kapag nagkita kayo na hindi mo ako gf! okay?"

"okay"

"sorry talaga patch, ayan tuloy sa ginawa ko mukhang bumuo ako ng gulo sa inyo! tss kagagahan ko talaga! sigurado ako galit na galit ang mokong na yun! sa mukha niya palang eh pansin na pansin ko"

at napatawa ako.

"dont worry okay? tsaka naiintindihan ko kung bakit ka naging ganun sige na, mag uumaga na oh"

"kung may mangyari! puntahan mo lang ako sa workplace ko at sabihin mo sa akin ang mga mangyayari" at tumango ako tsaka siya bumaba at kumaway.

kinabukasan nun.

nagising ako tanghali na at binugbog ako ng maraming mensahe ni mad.

50 messages from madison

luh? napano to?

hindi ko nalang yun pinansin at pinagluto ang sarili ko.

ding dong! napatingin naman ako pinto, baka si madison to kaya agad akong nagbihis ng pang taas at binuksan yun, laking gulat ko si george! may dalang pagkain at ngiting ngiti.

"oh?"

"hi!" at hinalikan ako sa pisngi tsaka siya pumasok "wala akong pasok ngayon kaya mag date tayo! heto nga pala, napadaan ako sa wacdonald binili ko yung paborito mo" napatingin nalang ako sa kanya habang inaayos niya yung mga dala niya sa mesa.

napa inom nalang ako ng kape, hays habang nakikita ko si george nahihirapan ako lalo naalala ko si astro sa kanya, yung nangyari kagabi at kung paano niya ako tingnan ng nakakatakot.

"patch! okay kalang?"

"tss maliligo lang ako, saan mo ba gustong pumunta?"

"kahit saan! yung mag e enjoy tayo!"

"sige mamaya na natin pag isipan yan" at pumasok ako ng kwarto para maligo at magbihis, pagkatapos lumabas kami kaya yun napagpasyahan naming mag archade. Sa katunayan siya lang yung nag enjoy at ako tong nababagot kakasunod sa kanya, ewan? bakit ko ba ginagawa to sa buhay ko!

"nagugutom ako!" at hinila niya ako para kumain, hindi ako kumikibo at alam niyang wala ako sa mood kaya siya yung atat na atat na hila.in nalang ako kahit saan hanggang sa..

napatingin ako sa mga phone, dahil bibili raw si george ng bagong phone..

"george? georrrgeeee!" rinig ko sa may bandang counter.

"ate celine! teka? nagtatrabaho ka dito?!" at agad akong napatalikod tsaka nag kunwaring tumingin tingin sa iba pang accessories malayo sa kanilang dalawa.

"ahhh nag rooving lang doon talaga ako sa kabilang mall na assign eh, tsaka nag iisa kalang ba?"

"ha? ahh hindi may kasama ako si..." at napayuko ako lalabas na sana ako doon ng hilain ako ni george papunta kay celine.

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon