chapter 21

33 1 12
                                    

HEY, MADISON 3

Zon POV

sa katunayan naninibago ako sa itsura ni madison ngayon, panay naman ngiti niya sa phone niya at may kausap.

"si zon? heto! nag da drive! huwag niyong guluhin!" rinig ko sa kanya

"sino yan?"

"sila macky" at tumango ako "pupunta kami sa bar, oo naman! ako paba!? nag mo move on na ako! ngapala yung mga pamangkin ko? can i say hi to them?"

nag iisip naman ako kung sasabihin ko ba kay mad ang nalalaman ko, hanep! bakit ba lagi akong pinag p-pov ng author nato! ayaw kong malaman niyo mga iniisip ko! tss at sa wakas nakarating rin kami! bumaba kami ni mad at nakita ko kaagad si jaguar tsaka sevy na nagyoyosi sa labas ng entrance.

"oy!" sigaw ni sevy at kumaway, nanlaki yung mga mata niya ng makita si mad pari narin si jaguar.

"madison?" jaguar at napatitig loko!

"yeah? its me!" madison at ngumiti

"luh? hindi ka namin nakilala ah? bagay sayo!" sevy

"oo nga! ang ganda mo!" jaguar

"thanks! wag na kayong tumingin! naiilang ako! mukha kayong manyak" madison at natawa ako kaya umiwas agad yung dalawa, totoo naman kasi! lalo siyang gumanda sa buhok niya, hindi na ako magtataka kung bakit marami titingin sa kanya ngayon. Pumasok na kami sa loob ng bar, bigla akong may pamilyar na itsura na nakita sa may counter kaya nagulat ako! nako! badtrip, bakit dito kami pumunta?! nagpapartime pala dito yung ex ni astro, lagut! nakalimutan ko! hinila ko si mad na titingin sana sa bandang doon at umakyat kami sa 2nd floor, sumunod naman sila jaguar at sevy sa amin tsaka naghanap ako ng table malayo doon, yung hindi niya matatanaw.

"guys! oorder lang ako!" mad at agad akong tumayo

"wag na! ako nalang!" nasabi ko

"no need ladies! ako na" jaguar at nag wink tsaka umalis, napatingin si mad sa akin kaya ngumiti nalang ako.

"kumusta mad? nabalitaan namin yung nangyari"

"nakoo, okay lang ako" madison

"halata naman sa kanya diba? nagpaganda pa nga" ako

"talaga yang si astro hindi mo maintindihan kahit kami nga, tahimik lang yan kasi eh mabuti nga noong naging kayo, nag iba ng konti pero ewan nagulat nalang kami sa nangyari sa inyo, mukhang okay pa naman kayo noong nakaraan diba?"

"ganun talaga eh" madison at nag shrugged

mukhang ako lang talaga yung may alam ng totoo eh, tss nakakaguilty

Madison's POV

naparami na yung inom ko at tawang tawa naman kami ni zon sa mga jokes ni jaguar ewan, masaya ako ngayon.

masaya ako.

masaya na sana ng may makita akong pamilyar na mukha na papalabas sa bar nato kaya napatayo ako tsaka nag excuse para kunwari mag c-cr, sasamahan pa sana ako ni zon pero sinabi kong okay lang, lasing na ako pero who cares! may hahabulin ako! mabilis akong naglakad para maabutan yun nang makalabas ako at hinanap kaagad siya ng mga mata ko, buti nalang pala mabilis ako at nakita ko siya g nagpapara ng taxi sa may dulo kaya napatakbo ako para pigilan siya..

"miss! teka" at napatingin siya sa akin.

"sino ka?"

napatingin ako sa kanya, siya nga.

"pwede ba kitang maka usap? i'm madison, astro's girlfriend" at nagulat yung itsura niya.

"bakit? anong kailangan mo? wala naman siguro akong ginawa sainyo, diba?"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon