chapter 18

14 1 2
                                    

HEY, MADISON 3

"option"

Madison POV

these days i feel incomplete, hindi ko alam kung bakit? parang may kulang o ano.

"baby! okay lang ba to?" napatingin ako kay astro na nagsusukat ng suit "ano?"

"okay na yan" nasabi ko at ibinalik ang tingin sa phone ko, naghihintay ako ng tawag ni patch nag chat kasi yun na tatawag pero hanggang ngayon wala pa.

"kukunin ko na lahat" rinig ko kay astro at nilapitan ako tsaka hinalikan ako sa noo "baby, ang tahimik mo ngayon?"

"ha? ahhh wala inaantok ako"

"talaga? uuwi nalang tayo after natin dito" at tumango ako, wala talaga ako sa mood.

pagkatapos niyang mabayaran ang lahat ng yun ay umalis din kami, habang naglalakad kami papalabas ng mall biglang napatigil sa paglalakad si astro at may tiningnan sa malayo, hindi ko alam kung sino at ano pero titig na titig siya sa kung saan man yun.

"baby?!" at hinila ko ng kaunti yung sleeve niya

"oh? ahh yeah! tara" nasabi niya at hinawakan ako sa kamay para hilain, hindi ma ipinta yung mukha niya.

"okay kalang?"

"ha? ahhh oo naman"

"sinong tinitingnan mo? or ano?"

"random people" at tumango nalang ako , naging tahimik siya kaya ganun din ako.

pagkarating namin sa bahay..

"sure kaba? na okay kalang?" natanong ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"oo naman!" at ngumiti siya tsaka hinalikan ako "huwag kang mag-alala!"

"good! mag ingat ka sa pag uwi okay? tsaka text moko pag nakarating kana" at tumango siya kaya niyakap ko siya bago pumasok sa gate, alam kong may mali kay astro ngayon pero sasabihin niya lang yan pag okay na sa kanya.

maya maya nag ring yung phone ko nang makapasok ako sa kwarto kaya agad kong sinagot yun kasi overseas yun, at alam kong si patch yun!

"dude!" masayang bati ko at napahiga sa kama

"yo dude! kumusta diyan?"

"okay naman ako, ikaw diyan? si tita? kumusta ang kalagayan niya?"

"yun na nga, hindi parin siya nagigising" malungkot yung boses niya "nalulungkot na ako dito, dude" at nawala yung ngiti ko ng marinig ko ang boses niyang ganun.

"sa tingin hindi ka okay, diba? sana nandyan ako" nasabi ko

"sus! hindi mo naman kailangan na sabihin yan, okay lang ako dito wag kang mag-alala"

"talaga? sure yan? tss paano ba ako maniniwala?" at biglang nakipag vc siya kaya nagulat ako, at agad na sinagot yun.

"yoooo!" pangiting bati niya at ibinaba ang shades niya "ayan? hindi kapa ba nakokontento na okay lang ako?" at ipinakita niya yung iniinom niya "just a bottle of this will make me feel okay"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon