chapter 7

27 0 2
                                    

HEY, MADISON 3

"deep inside of me"

Patch's POV

napapatingin ako kay mad habang nagmamaneho, payapa siyang natutulog, ikaw ba naman limang oras ang magiging biyahe namin papunt kay vin at nakakahalati palang kami, wala akong alam kung anong pinunta namin doon basta ang sa akin ay masosolo ko siyang kasama, okay na.

biglang tumunog yung phone niya at nakita ko sa screen si astro, alam kaya ng bf niya na malayo tong pupuntahan namin ngayon?

"madison! dude!" pag gigising ko "hoy! tumatawag si astro!" at sa wakas, nagising din eh.

"anoo?" at napatingin siya sa maingay na phone niya, agad siyang umayos at sinagot yun. Nakinig nalang ako sa usapan nila kahit diring diri ako sa pagiging sweet nitong si mad, loko mas okay sana kung si edred yan parang hindi ko kayang makinig.

"bye baby, i'll call you back nalang kapag nakarating kami doon!" at tumingin siya sa akin "dont worry, si patch naman kasama ko kaya safe kami! oo naman, ikaw rin diyan, sige na! i miss you too!" tae! napasmirk nalang ako at narinig ko siyang nag bye. "nakoo naman, ang sakit na nang likod ko" nasabi niya at nagplay ng music.

n/p: my one and only you by parokya ni edgar

nagkatinginan kami ni mad sa kanta at biglang nagtawanan, paborito kasi namin tatlo ni vin ang bandang to! yung kapanahunan naming mga sabog pa kami at di pa namin nakilala si edred, ganito yung mga trip na tugtugan namin lalo na yung bagsakan!

"haha high school days!"

"sinabi mo pa"

"I TAKE ONE STEP AWAAAY, THEN I FIND MYSELF COMING BACK TO YOUUU! MY ONE AND ONLY ONE AND ONLY YOUUU" sabay na kanta namin sa chorus, napangiti siya sa akin.

"ang sintunado mo talaga" at tinawanan ako, sinimangutan ko siya, loko.

"edi ikaw na singer!"

"haha! ang labo!"

"ngapala, kumusta kayo ni pareng astro?" natanong ko ng mapansin kong bago yung singsing niya, luh?

"hayun, ang bait niya parin! kulot parin siya! at ewan, kontento ako ngayon sa happiness na binibigay niya sa akin" masayang sabi niya, kung sa kanya okay na okay siya sa part ko naman ang lungkot pero dahil gusto ko namang lagi siyang masaya, okay nadin ako kahit yung kasiyahan niya nasasaktan ako.

"mabuti kung ganun!" at natahimik.

"ikaw? kumusta naman kayo ni georgeee?"

"bakit kami? hindi naman kami!" nasabi ko.

"haha! alam ko pero umuwi na si tita diba? so ibig sabihin, hindi niyo na kailangan magpanggap?"

"naman! ayaw ko nga sa tukong yun! kung papipiliin ako between her and olivia? i'll choose oliv over her!"

"talaga? what if, ako at si olivia? sino pipiliin mo?"

takte! napatingin ako sa kanya.

"syempre!" napalunok ako "ikaw, kasi kaibigan kita"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon