chapter 8

23 0 4
                                    

HEY, MADISON 3

"THE TRIO"

Patch's POV

"welcome sa munting bahay ko" vin at ibinaba ang mga gamit namin, munti nga! napamulsa ko at umupo sa isang couch na mahaba doon, nag iisa lang yun tapos may tv at mesang maliit, ganun lang ka simple.

"buti wala kang binabahay dito?" natanong ko at nag yosi.

"ulol! may asawa na ako!" at proud na ipinakita yung singsing niya, napansin ko naman na napangiti si mad.

"ang swerte nga naman ni daya sayo, napaka loyal!" at tiningnan ako "hindi tulad ng isa diyan, hanggang ngayon iba iba parin yung binabahay"

"haha! kaya hindi nagkakaroon ng seryosong relasyon eh! hindi marunong ma kontento" vin at inakbayan si mad "tularan mo kami! dude" napatanggal ako ng shades at napabuga ng usok , teka? alam na kaya ni vin na pinalitan na ni mad yung pinsan niya?

"tss, ayaw ko nang seryoso! mabobored lang ako" nasabi ko nalang at ipinatong yung paa sa mesa "may beer ba diyan?"

"sakto! meron!" vin at pumunta sa kusina niya.

"huy!" mad at nilapitan ako.

"ano?"

"pengeng yosi"

"luh? akala ko, nag quit kana?"

"sasabayan kita, magyoyosi ako hanggat nag yoyosi ka!"

"ano?!" at agad kong pinatay yung yosi ko, langhiya! kailan pa siya nagiging pakialamera sa buhay ko?

"good!" nasabi niya at tumabi sa akin.

"alam mo! bakit wala!" nasabi ko at tiningnan siyang nakangiti "hindi ko maintindihan! pareho lang kayo ni george!"

"pwede ba huwag mo nga akong itulad sa isang yun!"

"oo na oo na!"

"oh? nag aaway ba kayo?" vin at ibinaba yung isang bucket ng beer "kanina pa kayo nagtatalo, dinig na dinig ko kayo mula kusina"

"HINDI AH!"  sabay sabi namin at tumawa si vin

"loko! may maluluto ba diyan? magluluto ako ng pulutan" nasabi ko at tumayo tsaka kumuha ng isang bote.

"tingnan mo lang kung anong meron"

"okay" at lumakad ako papuntang kusina.

iniwan ko sila doon, para makapag yosi ako hahaha! akala ng mad na yun ha! hinahanap ng bunganga ko yung sigarilyo eh, adik na adik.

Madison's POV

naiwan kami ni vin na umiinom.

"mabuti naman at naisipan niyong dumalaw?" biglang tanong niya

"ahh oo, ako talaga yung may pakana, hinablot ko lang si patch sa condo niya para may driver ako!"

"loko haha ginawa pang driver! sabagay! wala namang problema kay patch yan, maaasahan mo yan pag hindi nga lang busy sa chiks! so bakit nga? anong meron?"

napatingin ako kay vin, naisip ko si edred. Napahinga ako ng malalim, sasabihin ko na kasi sa kanya ang tungkol sa amin ni astro, yun kasi ang sabi ni daya eh, kailangan personal kong makakausap si vin lalo nat siya yung close ni edred sa pamilya niya kaya ito yung rason kung bakit nandito ako ngayon.

"kaya ako nandito, kasi may gusto akong sabihin sayo"

"haha! pwede mo naman akong e message eh or chat or vc, bumiyahe kapa talaga para masabi yan"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon