chapter 25

22 0 5
                                    

HEY, MADISON

Madison's POV

ginising ako ni eilish nang makalapag ang eroplano sa pilipinas, nang makaalis kami doon nagpasundo agad ako kay zon kaya heto siya, worried yung mukha.

"dederetso na ako doon, saang hospital ba?" natanong ko.

"sige doon ko na kayo e dederetso, hmmm katatapos lang ng operasyon niya kanina kaya baga kapag dumating tayo doon wala pa siyang malay"

"okay lang, gusto ko siyang puntahan"

"me too tita zon, i wanna see him" at tumango si zon tsaka tinulungan kami sa mga gamit, habang tinatahak namin ang daan papunta doon maraming pumapasok sa isip ko.

phone calling..

"kanino yan?" zon

"sa akin po, my dad" refer to egbert, sinagot yun ni eilish at sinabi kung nasaan kami.

sa hospital.

nadatnan namin sila jaguar, sevy,sejun at ava na nag-uusap sa labas, natahimik sila nang makita ako.

"ate mad!" ava at linapitan ako para yakapin "eilish! nandito ka!"

"hi tita!" eilish "at sino nga sila mom?" eilish at itinuro yung tatlo.

"nakalimutan mo ba sila tito jaguar at sevy?" zon at lumingo si eilish

"i don't remember them, sorry" eilish

"ahh hey bata, mga kaibigan kami ni patch"

"madison" sejun at napamulsa "katatapos lang ng operation niya, natutulog pa siya pero pwede naman kayong pumasok" at tumango ako.

"tara anak, zon?" at sumunod silang dalawa, nang makapasok ako nagulat ako kung sinong nakayuko sa may gilid, tangina? si astro?!

"omegedd, nandito siya?" zon

"tito patch!" eilish at lumapit, nagising si astro sa ingay na yun kaya nagulat siya ng makita ako, kahit ako hindi nakasalita nang magising siya at nagkatinginan kami.

"mukhang kailangan kong umalis muna, hmmm eilish! tara! papasok lang tayo ulit mamaya kapag nakagising na si patch!" zon at hinila si eilish papalabas, loko! nag iwasan kami ng tingin ni astro at lumakad ako para lumapit kay patch, nakita kong sugatan ang mukha niya at mga braso, pero yung isang paa niya may parang cast mukhang doon siya inoperahan, sa bandang binti. Napaluha ako ng makita kong pikit na pikit siya at tanging paghinga lang niya ng malalim ang naririnig, kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"dude hindi ka talaga nag iingat! tingnan mo oh! huwag mong sabihing balak mo rin akong iwan?" nasabi ko at hinimas himas ang ulo niya "please gumising kana, natatakot na akong mawalan" at napapahid ako ng luha.

"kasalanan ko" biglang salita ni astro "kung hindi dahil.." at napahawak siya sa ulo niya "kung hindi dahil sa deal namin ni dad hindi siya hahantung sa ganito"

nagulat ako sa narinig, pucha?! deal? kapalit ba ang buhay ng kaibigan ko?!

"anong ibig mong sabihin astro?!"

at sinabi niya sa akin ang lahat, galit na galit ako ng marinig ang paliwanag niya! shit! napatingin ako kay patch, bullshit? bakit gagawin niya ang bagay na yun para sa amin ni astro? kahit ikakadelikado niya? sht? hindi naman sa ang oa ko pero! hindi niya naman dapat gawin yun, parang kasalanan ko na rin to!

"sorry madison, nadamay ko kayong lahat at may nadisgrasya pa"

natahimik lang ako nagpipigil sa galit ko, pero hindi! hindi dapat ako magagalit kay astro dahil nagawa niya naman to para sa amin, ahh sht! parang pumipili ako between him and patch! ang hirap!!!

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon