Jillian Klairo
"Gising, Jillian." Bulong ko sa sarili ko nang maghikab ako habang mabilis ko na isinisintas ang aking sapatos. Ibinaba ko iyon nang matapos ako at itinaas naman ang isa upang maitali ko ang sintas noon.
"See you later, future doktora."
Napangiti naman ako nang tapikin ni Ate Dulce ang balikat ako. Umangat ang tingin ko sa kanya sandali nang matapos akong magsintas. She's a few years older than me. Kinailangan kong bahagyang tumingala dahil mas matangkad siya sa akin. She's wearing the diner uniform, parang pula na plaid dress iyon na may manggas. It suits her slim and tall body frame. Her dark short hair is inside her hair net. There is a kind smile in her thin lips. Siya ang cook dito sa twenty-four hour diner na pinagta-trabahahuhan ko
"Una na po ako ate." Sabi ko at hinugot ang bag at mga libro ko sa locker.
Tumango naman siya at inilapit sa akin ang isang malaking cup ng kape.
"Eto oh, kailangan mo 'yan."
I politely smiled.
"Hindi na po--"
Nagpalatak siya ng dila at pinilit akong kuhanin iyon.
"Ano ka ba, kuhanin mo na, kakatapos mo lang nang anim na oras na shift, wala kang tulog, maglalakad at mag-aaral ka pa. Kuhanin mo na...Nag-brew ako ng bagong coffee para sa mga customer, 'sumobra' e." Sagot niya at pabiro akong kinindatan.
Bahagya akong dumaing bago ko iyon kinuha. Sinubukan ko na tumanggi noong una dahil palagi niya akong binibigyan ng pagkain o inumin bago ako umalis ng trabaho. Nagpapasalamat ako para doon, kaso ay nahihiya ako minsan dahil palagi niya iyon na ginagawa. She's like the aunt or sister that I never had.
"Salamat, Ate Dulce."
"Wala iyon..basta mag-iingat ka." Tinapik niya ako sa balikat.
Ngumisi ako sa kanya bago ako lumabas ng locker room, hawak ang mga libro ko at ang binigay niyang kape. Sumalubong sa akin ang black and white checkered na tiles at ang mga pamilyar na pula na mga upuan, pati ang lamesa sa pagitan noon na lagi kong pinupunasan. May pagka-80s style itong diner, patok na study place at kainan ito para sa mga Uni at Med students.
"Jillian, 'wag mong kalimutan ang shift mo mamayang gabi ha!" Paalala ni Jesse. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti. A middle aged, dark, tall and a very nice man. Siya ang may ari nang pinagta-trabahuhan ko. He's currently wiping the counter, sa kanyang gilid ay may dalawang babae na nakaupo sa stool, ordering their food for this morning.
"Yes, boss!" Sagot ko naglakad at palabas ng cafe. Hindi ito malayo sa campus ng eskwelahan dahil ilang blocks lang ang layo noon. Kaya naman makakatipid ako sa pamasahe dahil pwede ko na lakarin. Lumagok ako ng kape habang tinatahak ang daan. Hindi naman masyadong mainit dahil maaga pa at nakatulong iyon. Ang pamilyar na ugong ng mga sasakyan ay sumalubong sa aking tenga, pati ang mga establishmento na araw-araw ko na nadadanan.
Katatapos lang ng shift ko sa diner at sa mga breaks ko ay nagbabasa ako, nakakatulong naman iyon dahil sa loob ng isang linggo ko sa Med school ay hindi pa ako nakakakuha ng mababa na grado, mapa-test, quiz, o recitation man. Kinailangan ko na kumuha ng part-time job o kahit na anong extra after school dahil kahit covered ng scholarship ko ang tuition, may miscellaneous expenses pa, renta ko sa bahay, at syempre pagkain. I am barely making the ends meet but I still survive, that's what matters.
Tumindig ang balahibo ko nang dumaan ang hangin. Sandali ko na iginalaw ang aking ulo nang maramdaman ko ang pagod sa aking katawan.
"Trust the process." Bulong ko sa sarili ko. 'Yon ang lagi kong binubulong sa sarili ko kapag pakiramdam ko ay napapagod o gusto ko nang sumuko. Trust the process, I may be struggling now but it wouldn't always be like this. I just have to trust the process to see the good of all of my sacrifices. Kumbaga ay may liwanag sa dulo ng tunnel.
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
General FictionDel Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful and smart woman. They were both surgical Resident Doctors. They were in love and so sure that they a...