Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kumirot ang aking sentido nang sumalubong sa aking paningin ang maliwanag na ilaw at ang mapuputing dingding. Ang amoy ng gamot at panlinis ay kumalat sa aking ilong. Nasaan ako?
Nalaman ko lamang ang sagot noon nang lumingon ako sa aking gilid, may dalawang hospital bed doon at may mga pasyente doon. Ano ang ginawa ko dito? Most importantly, sino ako?
Mabilis na tumibok ang puso ko sa takot. Sinubukan kong gumalaw ngunit may humawak sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon. Naka-konekta ang kamay ko sa dextrose, higit sa lahat may babaeng nakahawak sa kamay ko. Maingat iyon.
Nakatayo siya sa gilid ko. Bumubuka ang kanyang manipis at mapulang labi dahil may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko siya nadidinig. Ang tanging nadidinig ko lamang ay ang kumakabog kong puso. Ang ulo ko ay masakit at hindi ako makagalaw dahil masakit ang aking katawan.
"Wag kang panic, please, Charissa.." Narinig ko din ang mahinhin niyang tinig.
Charissa? 'Yun ba ang pangalan ko?
"Please...kumalma ka.."
I observed her. Mahaba at straight ang kanyang itim na buhok. Halata ang pag-aalala sa kanyang brown na mga mata. Ang kanyang kayumangging balat ay kumokontra sa kulay ng kanyang orange na daster. May malaking umbok sa kanyang tiyan. Buntis siya. Finally, ay pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil baka matamaan ko siya.
"Sino k-ka?" Tanong ko. "B-Bakit ako nandito?"
Pinaraan niya ang kanyang mga kamay sa kanyang buhok.
"Charissa, ako si Glenda Cullado, ako ang Ate mo." She smiled as tears in her eyes formed. "Salamat diyos at gising ka na!"
Kumunot ang noo ko at inobserhan muli ang mukha niya. Hindi ko siya kilala...hindi ko din kilala ang sarili ko.
"Sandali--tatawagin ko lang ang doctor--"
Hinakawakan ko ang kamay niya. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata.
"A-Anong n-nangyari?"
"Narito ka sa ospital dahil nasagasaan ka, dalawang linggo na ang nakaraan. Ngayon ka lamang nagising....tatawid ka sana patungo sa pinagta-trabahuhan mo at may nakasagasa sa'yo na sasakyan. ang mga nakakita sa'yo ang nagdala sa'yo dito, tumakas ang nakabangga sa iyo."
Nasagasaan ako?
"Sandali lang, tatawagin ko lang ang doctor."
Binitawan ko na ang kamay niya at hinayaan siyang umalis. Ngayon ko lang na-obserbahan na sira ang bintana ng hospital. May basag iyon at isa lamang ang electric fan. Maliit lang din ang kwarto at may ka-sosyo akong ibang mga pasyente. Isang matanda at middle aged na babae. Naka-hospital gown sila tulad ko.
Nalukot ang mukha ko nang kumirot ang aking ulo. I tried to touch it, may nakabalot na bandages doon.
Maya-maya ay bumalik ang babae. May kasama siyang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 60s. Wala na siyang buhok, puti na ang kanyang mga kilay, kayumanggi, at maliit. May suot siyang whitecoat. Lumapit siya sa akin at inilawan ang mga mata ko.
"Hi there, Charissa." Bati niya. Hindi pamilyar ang pangalan na itinawag niya sa akin. "Ayos ang mga pupils mo...ngayon naman au sundan mo ang daliri ko."
Iginalaw niya ng dahan-dahan ang kanyang daliri at sinundan ko iyon ng tingin. He nodded.
"Pupils are responsive. Good." He sighed. "Now, the moment of truth,"
Kumunot ang noo ko.
"Alam mo ba ang buong pangalan mo?"
Wala. Walang pumasok sa utak ko. Umiling ako.
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
General FictionDel Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful and smart woman. They were both surgical Resident Doctors. They were in love and so sure that they a...