Jillian Klairo
Sa loob ng dalawang linggo na nakaraan, I have learned so much from microbiology and my other class lab lectures, kulang na lang ay mapanaginipan ko ang bacteria at ang mga body parts . . . l would be lucky if I were getting enough sleep to actually dream of them, but once again, lucky me, I don't get enough sleep. Katatapos lang nang huling lecture namin ngayong araw. Actually, we had one of hella hectic days ever, a skills lab where we dissected cadavers, studied the prokaryotic organisms, and saw the cells at a microscopic level, and of course, don't forget the lecture.
If you would ask me, pagod ako, I don't even have the energy to talk, pero hindi ko alam kung anong meron kay Del Russo dahil hindi siya nauubusan ng lakas na magsalita at mambuwisit. It's the end of the day, and yet he's still here beside me, walking and talking. I managed to tune out his annoying voice when the warm wind blew on my face, humangin iyon sa aking nakalugay na buhok. Sandali naman akong nasilaw sa papalubog na araw nang makalabas kami ng building.
Sandali ko lamang na namnam iyon dahil naramdaman ko ang pagtusok ni Del Russo sa tagiliran ko. I hissed and glared at him.
"What?" gigil kong tanong at ini-adjust ang aking salamin gamit ang isang kamay. Bumaba ang tingin niya sa tatlong libro na hawak ko. I know he's gonna offer to take it from me, kaya inunahan ko na siya. "Kaya ko naman na dalhin—"
"Ako na, mas lalo kang liliit kapag lagi kang may hawak na libro na mabigat, it actually curved your spine instead of erecting it because the weight is uneven," sabi niya, ngayon ay bitbit na niya ang aking mga libro.
Inirapan ko siya at hindi na nagprotesta pa. "I'm pretty sure that's bullshit."
He grinned.
"It is, I just said that so you would be distracted and you would unconsciously hand me your books."
Napailing na lamang ako habang patuloy kaming naglalakad, may mga babaeng kumakaway at nag-aabot ng number nila sa kanya. We passed them, at siyempre hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita.
"Hindi ka ba nauubusan ng energy?" tanong ko. "Humithit ka ba ng ammonia o tumitira ng methamphetamine?" sarkastiko kong tanong.
His naturally red lips curved into a smirk.
Ngayon na nakalingon ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang braso na ngayon ay naka-flex na dahil dala niya ang mga libro ko sa isang kamay. Kita ko iyon dahil nakasuot lamang siya ng itim na formal na polo, his usual brown slacks, and the black shoes. I immediately looked at his face bago pa niya ako mahuli, he smiled widely.
"Mataas lang talaga ang energy ko . . . but you should see my stamina in bed, mapapa-wow—aray!"
I hit his arm nang magsimula na naman ang kalibugan niya.
"I'm just saying . . ." Nakangusong sabi niya habang sandali niyang hinimas ang kanyang matigas na braso.
Napailing na lamang ako at tumingin sa dinadaanan namin, malapit na kami sa main gate.
"Well, mas mataas ngayon dahil sa araw na ito . . . guess what day it is today . . ." Ramdam ko ang ngisi sa boses niya.
Sandali ko siyang tinapunan ng tingin. "Huwebes?"
Napatigil naman ako sa paglalakad nang harangin niya ako. "What?" Inis kong sagot.
He grinned.
"Yes, at birthday ng pinakaguwapong nilalang sa mundo," sagot niya at itinaas baba niya ang kanyang mga kilay. Napatitig ako sa mga berde niyang mga mata sandali, searching it to see if he's kidding or not, but all I see is genuine emotion. Birthday niya?
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
General FictionCreed Del Russo spent years chasing shadows, unraveling every thread of Jillian's absence. But the trail ran cold, until the day she walked into his clinic, clutching a feverish child and wearing a stranger's eyes. *** Dr. Creed Isaiah Del Russo and...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte
