Chapter 5.1: Parasite

81.6K 1.9K 712
                                    

Jillian Klairo

"Bye, Ate Dulce!" Sabi ko at kumaway sa kanya. Kumaway naman siya pabalik at huminto sa tapat ng pinto. Bitbit niya ang kanyang itim na handbag. Nakalugay na ang kanyang laging naka-hairnet na may kahabaang itim na buhok. Nakasuot na rin siya na casual na blouse at pantalon.

"Sigurado ka na ayaw mong sumabay sa amin ng Kuya Fidel mo?" Tanong niya at tinaasan niya ako ng kilay. Si Kuya Fidel ang dalawang taon na boyfriend ni Ate Dulce.

Mabilis akong umiling at ngumiti.

"Ayos lang po ako, maraming salamat, Ate."

"Sige, siguraduhin mo na dala mo ang pepper spray mo at 'yung pocket knife na binigay sa'yo."

Ngumiti at tumango.

"Yes, Ate. Don't worry, I got me." Paninigurado ko.

Tumango na lamang siya at kinawayan ako ulit bago niya itinulak ang kahoy na pinto at tuluyang lumabas. Hindi na niya ako pinilit dahil lagi naman na akong tumatanggi at alam niya na hindi niya ako mapipilit. Ayos na akong maglakad pauwi dahil lagi ko naman iyon na ginagawa at ayoko na sila pang maabala. Bahagya akong pumikit at huminga nang malalim nang maramdaman ko ang pagod sa aking katawan. Iginalaw ko sa gilid sandali ang aking leeg.

I let out a sigh of relief for a second. Katatapos lamang ng anim na oras na shift ko, mula ala-una ng hapon hanggang alas sais ng gabi ang naging shift ko dito sa diner. Sa mga nagdaang araw ay hindi na gabi ang binibigay sa akin na shift ni Kuya Jesse dahil alam niya na hectic na sa Medical School ngayon at kailangan ko ng tulog.

And I am very much grateful for that.

Sandali ko na tiningnan ang aking relo, kailangan ko nang magbihis mula sa diner uniform ko dahil hindi ako pwedeng masyadong gabihin sa daan. Not going home in the dark is just one of the few things I need to consider as a woman in this day in age. Especially considering the place that I'm currently residing in. Tumayo na ako at binuksan ang locker ko at mabilis na nagbihis, mula sa dress, ngayon ay nakasuot na ako ng panlalaking damit. Loose at itim na sweatpants, oversized na green na hoodie at cap na itim. Welcome to the measures that I needed to do as a woman walking at night again, disguising as a man so I wouldn't be catcalled, assaulted, or worse kidnapped.

I look forward to the day where every woman can jog and walk at night without doing these things or any measures. Bitbit ang itim ko na jansport ay lumabas na ako sa lockerroom. Sinensyasan naman ako ni Kuya Jesse na lumapit sa counter na mabilis ko na ginawa.

"May naiwan ba ako na linisin?"

Ngumisi siya at mabilis na umiling.

"Hindi, ano ka ba, Jilly. isa ka sa mga pinaka-mahusay ko na trabahador. Tinawag lang kita dahil dito," Ipinatong niya ang brown na paper bag sa counter. "Eto may sumobrang cheesy bacon fries sa batch na niluto ko."

I fixed my gaze at him for a moment.

"Kuya, nagabala ka pa--"

He cut me off.

"Tinatanggap mo 'yung kay Dulce, magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap 'to." Tinaasan niya ako nang kilay na ikinangiti ko.

"Now, that's just pure manipulation." Biro ko.

"Is it working?" Natatawang tanong niya at inusog palapit sa akin ang paperbag. Inabot ko naman iyon,

"I took it, so yes. Duh." Pabirong sagot ko na ikinatawa ni Kuya Jesse. Bahagya niya akong tinapik sa braso.

"Well, I'm glad. Sige na..baka gabihin kapa sa daan...I know that if I offer you a ride home..you'll decline anyway."

Ngumiti ako at sandaling hinawakan ang kanyang kamay. Kahit na madilim at nalungkot ang mundo ko ay napapalibutan ako ng mga mababait na tao, isa na doon si Kuya Jesse.

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon