Jillian Klairo
Hinahabol ko ang hininga ko habang nananakit ang aking mga tuhod sa katatakbo. Napapakunot ang noo at napapatitig sa akin ang mga nadadaanan kong estudyante. Paano ba naman ay tumatakbo ako sa hallway bitbit ang tatlo kong mabibigat na libro. Jusko, paano ko ba buburahin sa isipan ko kung ano 'yong nakita ko?!
"Nerdy, do not run away!"
I ran faster, Del Russo is chasing after me. That's not the only reason why I'm running. Humihilab din kasi ang tiyan ko.
"No!" sigaw ko pabalik.
Maya-maya ay may pumito sa amin.
"Hoy! Bawal tumakbo sa hallway!" sigaw noong babae na naka-campus officer uniform. With that I slowed down and then smiled apologetically.
"Sorry!" halos sabay naming sigaw ni Del Russo. Umiling na lamang sa amin ang officer. Hinihingal akong tuluyang tumigil sa pagtakbo at nag-speed walk . . . kaya naabutan ako ni Del Russo. His expensive scent whiffed my nose as he speed-walked beside me. He's now carrying his dark and wide shoulder bag. Tumingala ako sa kanya at binigyan siya ng nakakapatay na tingin. Hindi siya natinag at hinawi lang ang iilang hibla ng itim at tuwid na buhok sa kanyang mukha. Some droplets of sweat skidded on his golden brown skin.
"Get away from me!" I sneered at him.
He let out a scoff as his big hand held my arm. Hindi masyadong mahigpit ang kanyang hawak pero sapat na iyon para hindi ako makalakad nang mas mabilis sa kanya.
Nagpumiglas ako pero walang epekto iyon. I had the urge to flinch because his hand was warm and rough against my skin, and somehow, a tingle ran through me for a second.
Anong nangyayari sa akin? I just caught this arrogant manwhore having sex in the restroom, and now he's giving me weird feelings?
"No! Magsusumbong ka ba kaya tumatakbo? I won't let you," mariin niyang sagot. Nalukot ang mukha ko nang dumaan ang masakit na hilab sa aking tiyan.
"Get your STD-laced hand away from me." I sneered instead.
Of course, he ignored me. Mas lalo lang nalukot ang aking mukha dahil lumalala na ang hilab. Gusto ko siyang layuan dahil tuwing nakikita ko siya ay naalala ko kung ano ang histura niya sa banyo at kung anong histura noong baba niya, pero mamaya ko na iyon iintindihin dahil ang hapdi talaga ng tiyan ko.
"No. Why are you making faces? Are you—"
Sinamantala ko ang pagka-distract niya para tanggalin ang kamay niya sa braso ko at mabilis na naglakad patungo sa nakita kong pinakamalapit na CR. Namamawis na ako nang malamig, lalabas na talaga.
"Nerdy!" Tawag niya sa punyetang stupid na nickname na binigay niya sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa palikuran, na wala namang tao. Thank heavens. Sobrang sakit na ng tiyan ko at may nagbabadya nang lalabas. Akala ko ay lalayuan na ako ni Del Russo, ngunit laking gulat ko nang marinig ko ang yabag ni gago palapit sa akin.
"Hindi ka lalabas?!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya nang harapin ko siya. Magkasalubong pa rin ang magkabilang kilay niya. "This is a woman's restroom—"
He shook his head as anger erupted in his sage green eyes. "Excuse me, nasa gender-neutral restroom ka."
I looked around, and I saw the sign and the layout of the room. Ang sink ay two-sided, meaning that there are cubicles on the left and right sides.
"Oh." Sandali akong natigilan pero dinuro ko pa rin siya. "But still, you're not supposed to be here."
Bahagya siyang ngumisi. "I technically can."
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
General FictionCreed Del Russo spent years chasing shadows, unraveling every thread of Jillian's absence. But the trail ran cold, until the day she walked into his clinic, clutching a feverish child and wearing a stranger's eyes. *** Dr. Creed Isaiah Del Russo and...
Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte
