Jillian Klairo
The weeks had passed like a blur since everyday has been hectic. Wala na ata akong sense of time dahil sobrang busy ng mga nakaraang linggo, lectures, labs, cases, everything. Tama nga ang sabi ni Dr. Claudio. Sa mga oras na ito, ka magpapasalamat na nagkaroon ng study buddy dahil hindi ka nagi-isa na gawin ang mga workload at mag-aral, kapag may oras na tinatamad kana o gusto mo nang sumuko, may magtutulak sa'yo scratch that--- may mang-aasar sa'yo na kailangan nang tapusin ang dapat tapusin. In my case, minsan lang niya nagagawa iyon dahil ang problema niya sa akin ay hindi ako titigil na mag-aral, unless he would bully me into stopping.
And lowkey, I am grateful for Del Russo because I ignore my limits academically and would push myself until I burn out. It is indeed my toxic behavior, pero hindi pwede iyon kay Del Russo, dahil sa aming dalawa siya ang procrastinator. So, he really knew when to stop me. In his case, Siya ang tamad, at ang kailangan kong itulak. And maybe, 'yun ang dahilan kung bakit gumana ang relationship namin as study buddies. I hated him, he's annoying, and He's the opposite of me, yes. But yet here we are, still together and our academic relationship still works...because our opposite traits are what makes us work, somehow.
Through the months, aminin ko man o hindi at ayaw ko man o sa gusto ko, nababawasan na ang pagka-ayaw ko sa kanya, no matter how annoying and conceited he is, he's a damn good person, patient somehow, and an excellent study buddy (kapag hindi tinatamad.) How did I say that? Sa ilang mga nakaraang linggo ay sa diner kami naga-aral dahil nalipat ako sa night shift, kalahati kasi ng workers ni Kuya Jesse ay mga estudyante, ang iba ay law student na may mga night classes, kaya kailangan naming mag-adjust madalas.
Wala naman akong problema doon dahil naga-adjust din si Del Russo. Uupo siya sa karaniwan niya table at mananahimik siya doon, hihintayin niya ang break ko para maka-catch up ako sa mga naaral niya.
He would tell me the things that I should look out for and would quiz me. It helps me so much. So, yes kaya ko nasabi na unti-unti ko na siyang nagugustuhan as a person. However, the night shifts, dreads me out since malapit na ang finals ngayong pangalawang semester, meaning madaming all nighter na mga estudyante sa diner. Meaning more people to serve. It surely dreaded me out. I'm surprised na kaya ko pang tumayo most of the time, but I guess, it's the magic of caffeine.
Kasalukuyan kaming nasa Pharmacology lecture, Dr. Karsiag is front, talking and going over the pointers of the exams for this subject. Sinusulat ko ang mga terms na dinadagdag niya sa dapat naming reviewhin. Tinakpan ko ang aking bibig nang maghikab ako. Alas dose kasi kagabi ng gabi natapos ang shift ko kaya kulang ako sa tulog. Itinukod ko ang aking siko sa lamesa at ipinatong sa pad ng aking palad ang aking baba upang hindi ako dumukdok at matulog.
It would be so nice, If I didn't have to write anything down, since I can barely see my notes through my sleepy vision. Nagpatuloy ako sa pagsusulat hanggang sa naramdaman ko ang tingin ni Del Russo sa akin.
I glanced at him. He's casually sitting down beside me, with a notebook and pen in front of him. Ngayon ay nakausot siya ng gray na slacks, at naka-baby blue siya na chino shirt. Imbes na estudyante ay mas nag-mukha siyang professor. Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o mas nag-mukha siyang mature na ngayon ay may-five o'clock shadow stubble sa kanyang panga at naka-side part ang kanyang buhok na medyo humaba na.
Magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay nang bahagya habang nakatitig siya sa akin, as if he was analyzing me. Kung isa lang ako sa mga fanatics niya ay kanina pa ako nagtitili, but then again, I wasn't, so it just annoys me.
"What?" I snapped when he was still staring at me, hindi siya sumagot at walang pasintabi na inagaw ang notebook ko.
"Del Russo!" Mariin kong bulong.
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
General FictionDel Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful and smart woman. They were both surgical Resident Doctors. They were in love and so sure that they a...