Chapter IX

391 24 4
                                    

"uhmm Ralf, san mo nakuha tong mga to? i mean pano mo nabuo itong surprise na to? tsaka pano mo nalaman na christmas na?"

Tumigil muna siya sa pagkain at tumingin sakin habang nakangiti. kung titignan, ang gwapo niya talaga, kaya siguro sobrang sikat niya sa TV dahil sa looks niya

"Remember the rules of this game?"

"Uhh yes?"

"HAHA slow. diba sabi everytime na malalaman mo yung sagot sa tanong may pwede kang hilingin? that explains everything tsaka yung sa date? sa TV ko nalaman, puro christmas show na kasi yung pinapalabas eh pero feeling ko lampas lampas na tayo sa christmas kaya sorry"

Ahh kaya pala. pero nakalimutan ko yung reward na yun ah. ano kayang pwedeng hilingin? since christmas, gustong bigyan ng something si Ralf pero......

"Wait. Meron akong doubts"

"About?"

"Are you serious? I mean dun sa "you like me thing"?"

"Ahh yeah?"

"Eh pano yung girl? yung hinahanap mo? remember?"

"Ohh that. I dont know. I just felt na gusto kita, i really like you so much. the way you make me smile when im down, the way you care for me. everything, you make me forget about my past Riz. i dont know but i think im falling too hard"

Hindi ko alam kung paano magrereact!! nilalamon ako ng kilig kooo! ohemm! >/////////<

Pero that means one thing! Somehow nasagot na rin yung last question na pinaabot samin, and come to think of it. tama nga siya, lampas lampas na kami sa christmas. and hello feeling ko nga pati new year lampas na kami eh.

Hindi ko kasi masyadong napapansin ang oras pag kasama ko siya.. >///< CHAROT! hahaha! ang landi na masyado RIZ!! Calm, stay clam~~ 

 WOOH! Okay. Para matapos na to, itatanong ko na rin yung isang question.

"Uhmm maiba ako, since naging magka schoolmate naman tayo nung highschool kasi diba kilala mo si Gab so yun"

"Gab"

"Ha?"

"Tell me, do you still have feelings for him?"

"I dont know, I never saw him again since that time. hindi ko na nga matandaan masyado ang muka niya"

"Pano kung bumalik siya? Mas pipiliin mo ba siya?"

"Same question i want you to answer, pano kung bumalik si Camille? Are you sure you're going to chose me over her?"

"Don't be silly, nasagot ko na yan diba?"

"I know pero hanggat hindi mo siya nakikita, hindi ako makakasiguro, at alam kong ganun ka din"

"sorry"

Tahimik lang kami at walang nagsasalita ni isa hanggang matapos ako sa pagkain, at ako na mismo ang nagsimulang tumayo at lumayo sa table na yun. wala na, sira na ang lahat. binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina, best birthday? i dont think so

Dumeretso ako sa parang bar sa bahay na to, kumuha ako ng isang vodka, at ininom ko mismo ito ng diretso sa lalagyan. Hindi ko alam pero alam kong kasalanan ko kung bakit nasira ang gabing ito, kasalanan ko kung bakit nawala lahat ng ngiti sa mga labi ko. Oo kasalanan ko

"Alam mo ba nung highschool, pag malungkot ako, or may nangyayaring hindi maganda dumederetso agad ako sa library namin, kasi dun tahimik, makakapag-isip ako ng mabuti sa mga bagay na ginawa ko, dun ako mismo nagrereflect"

Hindi ako tumitingin sakanya at patuloy pa rin ako sa pag-inom kahit sobrang init na nang lalamunan ko, hinahayaan ko lang. para kahit paano mapupunta yung focus ng pain receptor ko sa lalamunan ko at hindi sa puso ko

"Pero dahil sa pag punta ko sa library, nakita ko ang isang babaeng nakapagpabago sa buhay ko, si Camille. Kahit sobrang sikat siya sa school natin noon napaka down to earth niya, hindi siya marunong manapak ng tao, sobrang bait niya sa mga nakapaligid sakanya, kahit na tinatapakan na siya ng iba hindi pa rin siya gumaganti" 

Bakit niya sinasabi sakin tong mga to? Ano yun para saktan ako? para pagselosin ako? para ipamuka sakin na si Camille ang totoong mahal niya? nakapagdecide na ba siya na si Camille ang pipiliin niya kaysa sakin?

"Siguro nga tama ka, na hindi mo alam kung sino ang pipiliin pag nagkita-kita na kayo, pero kung ako ikaw mas pipiliin ko ang kasalukuyan kaysa sa nakaraan. Alam mo kung bakit? Kasi sa kasalukuyan nararamdaman mo paring umibig, nararamdaman mong maging masaya, malungkot, lahat lahat pero sa nakaraan, naaalala mo pa rin ba kung gaano kasaya ang mahalin siya? Siguro OO may mga ala-ala kayo, pero yung mismong pakiramdam? Nararamdaman mo pa rin ba? Diba hindi na? Kasi ang tangin magagawa mo nalang sa nakaraan mo ay ang alalahanin ang lahat. dahil kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan mo"

Napatayo ako sa kinauupuan ko at napatingin sakanya, kahit hindi na ko sanay uminom ng mga ganito ay maayos pa rin naman ang pag-iisip ko. unti unting humakbang ang mga paa ko palapit sakanya at tsaka ko siya niyakap. naramdaman ko rin ang kamay niya sa likod ko kaya unti unting nagsipatakan ang mga luha ko

"Kaya ngayon, sasabihin ko na sayo. Ikaw ang pipiliin ko dahil ikaw ang kasalukuyan ko"

Siguro nga nagawa kong sirain ang araw na to, pero buti nalang at nandyan siya para ibalik ang lahat sa dati nitong saya. Hindi ko namalayan, na unti unti na pala akong nahuhulog sakanya, unti-unti ko nang natatanggap sa sarili ko na mahal ko ang taong nasa harapan ko ngayon

Unti unti nang tinatanggap ng sistema ko ang tuwa at kilig na nararanasan ko. Siguro nga matagal akong nakakulong sa nakaraan ko kaya wala akong nakakarelasyon pero binago lahat ng taong to ang pananaw ko sa buhay, pinakawalan niya ko mula sa pagkakakulong ko, at iminulat niya ko sa tunay na halaga ng salitang minamahal

Ang nakaraan ay isang bagay na hindi mo na matatakasan, pero ang nakaraan ang magbibigay dahilan sayo sa iyong kasalukuyan.

Ang nakaraan ang magbibigay sagot sa mga tanong na "bakit hindi naging kayo?" "bakit ka niya niloko?" "bakit iniwan ka niya" at "bakit ka nasaktan"

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon