Chapter XI

394 27 4
                                    

Bakit kung kailan nagsisimula pa lang kami tsaka naman darating ang isang sakuna na susubok sa pagmamahalan namin. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Galit na galit ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin?

Pwede namang sinabi na niya agad sakin ang buong katotohanan nung una kaming nag-usap sa kwarto, pero bakit ngayon pa? ngayon pang alam ko nang mahal na mahal ko siya?

Kaya ba pinipilit niyang kalimutan ko ang nakaraan? Sobrang tagal na nun. At matagal ko nang pinatawad si Gab nun, pero bakit kailangan niyang mag sinungaling? 

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit?

Nakita kong yumuko siya at narinig ko rin kasabay nito ang pag-iyak niya. ganun ba siyang nahirapan sa pag sabi ng totoo? 

Hindi ko na kayang makita siyang ganito. 

"Sinungaling ka"

"Sorry. Sorry. Im so sorry"

Umalis agad ako sa living room at dumeretso sa kwarto. 

Doon ko binuhos ang lahat lahat. Doon ko paulit ulit tinanong sa sarili ko ang mga katanungang, Bakit ngayon lang? paano nangyari to? Bakit siya nagsinungaling?

Hindi ako makapaniwala, binigay ko ang tiwala ko sa isang taong hindi ko lubos na kilala, sa isang taong lolokohin lang pala ako.

Kung hindi lang sana ako nagpadala sa mga nararamdaman ko. hindi ako masasaktan ng ganito. Alam kong hindi buong tiwala ang binigay ko pero bakit sobrang sakit ng epekto nito? Dahil ba buong pagmamahal ko ang binigay ko sakanya?

Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang dapat na isipin ko, unti nalang pakiramdam ko kakainin na ko ng mga iniisip ko. pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobra sobra na nararamdaman nito

Gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang bumalik sa states, gusto ko nang bumalik sa dating ako.

Yung Pariz na walang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, yung Pariz na laging nakangiti kahit pagod na pagod na, yung Pariz na simple lang ang buhay. At yung Pariz na alam ang gagawin niya.

Kasi ngayon, nawala na ang Pariz na yun. At gusto kong ibalik yun para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko

Ralf's POV

Isang tahimik na buhay lang ang gusto ko pero simula nang sumali ako sa isang football team ay naging sikat na ko, isa lang naman akong ordinaryong tao na nangangarap na kahit minsan ay mapansin niya, pero dumating ang araw na lumayo siya sakin at hindi ko na muling nakita, hanggang ngayon siya pa rin ang tanging babae na hinahangad ko, kahit ilang babae pa ang magdaan sa harapan ko wala akong ibang lilingunin kung hindi siya lamang

Naisip ko nang ipahanap siya at after nang ilang buwang paghahanap ay nakita ko na ulit siya, nakita ko na ulit ang taong matagal kong hinanap pero ang problema hindi ko magawang lumapit sakanya, hindi ko magawang kausapin siya, dahil siya mismo.....

hindi ako kilala

Sino nga ba ang makakakilala sa tunay na ako? ang laki na nang pinagbago ko, hindi na ko isang payatot at simpleng varsity, isa na kong tanyag, tinitilian at isa sa mga hinahangaan na bigtime celebrity pero kapalit nun, kailangan kong baguhin ang sarili ko, lagi akong nakasuot nang contacts para matago ang tunay na kulay nang mata ko, mas naging korteng lalaki na ang muka ko, hindi na siya tulad nang dati na pahaba, at higit sa lahat pati ang aking pangalan ay kailangan din palitan, syempre dahil isang sikat na artista na ko kaya hindi na pwede ang pangalan na mukang napulot lang sa kanto

Hindi na pwede ang pangalang

Gabriel Cedric Rosales  

Oo ako si Gab, ang tagal kong tinago to kay Riz. Iniba ko ang kwento ko sakanya para hindi niya mahalata, hindi naman talaga umalis ng school si Camille, nagtiis siya sa school na yun para makagraduate, ang totoo ako ang lumipat ng school, ako ang napaalis. Totoo na gusto niyang akuin ang lahat at mag drop-out pero ako na mismo ang nagsabi ng katotohanan sa principal namin at ako na ang pinalayas sa school.

Months bago ko ulit balikan ang school na yun, nung nalaman kong grumaduate na siya ay gusto na siyang kamustahin at puntahan sa bahay nila kaso huli na ang lahat. lumipat na sila sa ibang bansa, at dun na siya nag kolehiyo, at ngayon nakilala ko na lang siya bilang isang tanyag na modelo.

Nung una ko siyang nakita sa personal dahil sa game show na to, nabighani ako, sobrang bumalik lahat ng mga masasayang alaala namin pero imbes na sabihin sakanya kung sino talaga ako. Mas mabuting tinago ko nalang ito, mas mabuting mahalin niya ako sa kung ano ako ngayon, kaysa mahalin niya ko bilang isang gagong tao na nangiwan sakanya noon

Kaya ginawa ko ang lahat para mapalapit sakanya, actually ako ang nag revive ng season na to ng The Interview, ayaw na kasi ng management na gawin ang game show na ito dahil hindi na daw patok sa masa pero pinilit ko sila, bumili ako ng malaking stocks sa company nila at nagustuhan naman nila yung idea na isang elite star ang papasok sa larong ito

And then, everything was my plan

Simula kahapon hindi pa siya lumalabas ng kwarto, hindi ko pa naeexplain sakanya ang lahat, trinay kong pumasok sa kwarto niya pero nakalock pa rin ito, katok ako ng katok pero ni isang "bakit?" wala akong narinig. nagpasya na lang akong umupo sa harap ng pintuan niya para dun aminin ang lahat

"Riz, sorry. I know you're still mad at me, but please Riz, hear me out. let's talk. please baby"

Kahit isang salita lang, isang salita lang mula sakanya para makasiguro lang ako na wala siyang ginawang kahit ano sa sarili niya

"Sorry for everything, alam mo namang takot lang ako na baka layuan mo ko pag nagkataon, pag nalaman mong ako si Gab. Nung araw na hind nalaman kong gusto mo pa rin si Gab, medyo natuwa ako dahil sa kabila ng lahat ng kagaguhan na ginawa ko noon nandyan pa rin yung pagmamahal mo. Hindi pa rin nagbabago yun, pero gusto ko sanang yung Gab ngayon yung mahalin mo, kung paano mo ko nakilala ngayon, dahil yung Gab ngayon ay yung taong hinding hindi ka na ipagpapalit sa kahit ano. Lahat ng ito ginawa ko sayo. I even asked the management to revive this show kasi hindi ko talaga alam kung paano ka lalapitan. And in this show we can spend a time together, I will have the opportunity na makasama ka sa isang bahay na matagal ko nang pinapangarap. ginawa ko ang lahat para maging isang mabuting tao, maging isang tao na nababagay sayo. And I want to tell you na all of the questions that was given to you was my idea"

All the questions thrown to me was my idea, kasi gusto ko atleast every question she will know the real me, hindi ako katulad ng mga ibang actors na mayabang, arogante at iba pa. gusto kong makita niya yung soft side ko. 

I actually dont care kung malaman pa to ng ibang tao and i actually have an access sa labas ng house kaya nagagawa ko to, recently lang naman ako hindi nagka-access kasi lagi akong nasa bahay at nakafocus lang kay Pariz. Kaya nga hindi ko namalayan na lumampas na pala ang christmas at new year

Pero ngayon, hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ko, hindi ko alam kung kakausapin niya pa ko. Kaya ko lang naman nalagay yung tanong na yun dahil hindi ko na kayang magsinungaling kay Riz, at gusto ko na rin malaman niya ang buong katotohanan dahil may karapatan siya doon. actually we still have a 3 weeks to finish bago makalabas sa bahay na to, atleast kasi kahit paano gusto kong matapos ang nasimulan ko. Meron pa naman akong isang tanong at sa tanong na to, ayoko sanang magkamali

"I just want you to give me another chance, to prove to you na lahat ng mga ginawa ko sayo totoo at ang tanging hindi ko lang sinabi sayo ay kung sino talaga ako"

I wont give up. Please Pariz, just one more chance. 

Hindi ako aalis dito sa pwesto ko hanggat hindi niya ko kinakausap. Babantayan ko siya hanggang sa mapatawad na niya ako

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon