[A/N]: Pasensya na guys kung now lang. finals kasi namin this week at kailangan kong maghabol ng grade sorry talaga! At yung isa kong story (WAY) ON HOLD muna siya kasi hindi ko maasikaso ngayon kaya ito muna. pasensya guys! loveeeeee you!
love-love
~Jaz
-----------------------------------------------------------------------------
Kanina ko pa iniisip yung sinabi sakin ni Ralf kahapon, para kasing pareho kami ng nangyari nung babaeng sinasabi niya. para kasing nangyari na sakin yun dati pero ayoko lang maalala dahil binaon ko na lahat sa limot ang mga nangyari. At tsaka nung kinakausap niya ko, para talaga siya sakin humihingi ng tawad
Pero impossible naman na ako yung babae dahil hindi ko naman kilala si Ralf, ngayon ko nga lang siya nakita sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakaencounter ng isang lalaking mayabang sa harap ng maraming tao pero pusong mamon sa likod ng camera.
Naaawa nga ako eh, napakaswerte nung babae pero napakamalas din niya, hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang pagdaanan ang mga bagay na yun. At the same time naiinis ako kay Ralf, sinong matinong tao ang mangiiwan sa isang babaeng tatanggapin ka pa rin kahit na ilang beses ka pa magkamali? Pero ewan, alam ko namang nagkakamali lahat ng tao pero hindi sapat na dahilan yun dahil lahat tayo binigyan ni papa Lord ng pag-iisip para pagdesisyunan ng tama ang mga bagay bagay
Haaaaay! Ewan ko! Ang daming arte sa buhay ng lalaking yun! Hindi ko pa rin pala alam yung pangalan nung babae. pero mas maganda talaga kung di ko nalang tanungin kasi baka nga private talaga. pero nagdadalawang isip pa rin talaga ako kasi baka may mangyaring di maganda sa mga love ones ko sa labas. OHNOEEEESS! ANONG GAGAWIN KO! >3<
"Riz!"
"AY! ASFGHDKLJ!"
"Ha? HAHAHAHAHA! Epic nang muka mo! WAHAHAHAH!"
"Sige tawa pa!"
"Biro lang, kanina ka pa kasi diyan sa kwarto mo. bumaba ka na at kumain na tayo. nagluto ako!" ^___^
"SERYOSO?!"
"Ay hindi nagpadeliver ako. joke lang yun luto!"
"Deliver? eh diba bawal mag..."
"Slow! tara na nga!"
Ha? Problema nun? Siya tong nagaaya tapos ako pa tong iiwan niya? Baliw?! Pero di ko talaga nagets yung sinabi niya! Pano siya magpapadeliver kung bawal pumasok yung mga taga labas?! WEIRRRRRRDOOO!
Hayy! Since nagugutom na rin ako, dumeretso na rin ako sa kitchen para kumain, nakita ko namang nakaupo na siya dun sa mesa at nagsisimula nang kumain. TSSS! di man lang maghintay!
Pagkarating ko sa table nalula ako! May dalawang ulam dun sa lamesa, ang dami na nito para saming dalawa. ano siya sugapa?! Pero ang kinalula ko sa lahat ay yung makita na lahat ng nakahain ay yung favorites kong ulaaaaaaaam!!
"WOW! Ang tagal ko nang di nakakakain nitooo!"
"Buti naman nagustuhan mo"
"Syempre, paborito ko kaya tong sinigang na isda at ginataang crabs! ang tagal ko nang di nakakakain nito!"
"Sige kain ka lang! Para talaga sa isang matakaw na kagaya mo yan!"
"Sama mo! Pero ikaw ba nagluto nito?"
"AYY! Nagets mo na din?! Congrats!"
"K"
"Sungit! Pinagluto ka na nga eh"
".........."
"Gusto ko lang naman bumawi, parang thanks offering"
Thanks offering? Meron ba yun? Baliw talaga tong isang to! Pero infairness sana ganyan na lang siya everyday. HAHAHAHAHAHAHAHA!! >:))
"Camille"
ha? Ano daw?
"Camille yung name niya"
Hala ka! Sinabi niya talaga? Akala ko ba ayaw niyang may makaalam. ang gulo ko rin no? HAHAHAHA kanina nagdadalawang isip ako tapos ngayon ayaw ko. pakipot effect no? HAHAHAHA! Ewan ko baaaa!
"Ok lang naman kahit di mo sabihin, naiintindihan ko naman if ever..."
"Sinabi ko na diba? Ok na yun! HA-HA-HA"
"Ok lang namang mapakatotoo ngayon Ralf"
"Ayoko, pagod na ko.....Tara wag na tayong magpakaemo ngayon, kain na!"
Hayyy. Bilib na talaga ako sayo Ralf, isa ka ngang napakagaling na artista. Napakagaling mong magtago ng nararamdaman mo
Pero minsan ok lang naman eh....ok lang naman talagang magpakatotoo, minsan nakakapagod ding magpanggap at mas nakakapagod magtago ng nararamdaman mong kalungkutan, minsan kailangan mo ring umiyak at sabihing nalulungkot ka talaga
BINABASA MO ANG
The Interview
AdventureDahil sa isang interview nagbago ang takbo ng buhay ko. Dahil sa isang interview may maaalala ako sa nakaraan na matagal ko nang kinalimutan. Dahil sa isang interview natuto ulit akong masaktan.