Chapter III

621 26 2
                                    

WAAAAAAAAAAH!! MABABALIW NA TALAGA AKO HEREEEE! AS IN! Kaninang umaga pa nanbwibwisit tong hinayupak na to! SUNDAN DAW BA KO KAHIT SAN AKO MAGPUNTA?! At para mawala yung inis ko nanuod nalang ako ng movie sa sala buti nalang maganda yung movie atleast nabawasan yung bad vibes ko ngayon

"Wag mo na kasi masyadong dibdibin yung sinabi ko, tinitignan ko lang naman kung bibigay ka and it turn out na may gusto ka sakin!"

"Pano mo naman nasabi aber?"

hindi ko siya nililingon, nakatutok pa rin ako sa movie, naramdaman ko namang tumabi siya sakin at INAKBAYAN AKO! tinabig ko yung kamay niya sa braso ko, PLEASE LANG HA?!

"Kasi kinilig ka kanina"

napatingin ako sakanya at nakangiti nanaman siya ng nakakaloko

"Hindi ako kinilig, please lang, nandiri nga ako eh"

"ASA! Kung di ka kinilig bakit ka namula kanina?"

OHNO! NAKITA NIYA YUN! SHITTY! MASYADO NA KONG MADAMING NAGAGAWANG KAHIHIYAN SA HARAP NIYA AH!

"Hindi ba pwedeng nanggagalaiti muna sa galit pag namula? kailangan kinilig agad?"

and as usual, HE SMIRKED AT ME AGAIN!

"Sige, sabi mo yan eh, itanggi mo lang hanggang kaya mo basta ba pag bumigay ka walang sisihan"

"As if namang bibigay ko, knock it off will you?"

tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang inaaresto at nagkibit balikat na bumalik sa kabilang upuan kung san siya nakapwesto, di ko namang mapigilang hindi siya titigan habang nanunuod siya, sa hindi ko malamang dahilan parang nakita ko na talaga siya dati, pero siguro sa billboard lang pero impossible kasi na dun lang, kasi hindi naman ako mag-iisip ng ganito kung nadaanan lang siya ng mata ko, para talagang namumukaan ko siya, parang nagkakilala na kami dati kahit na ngayon ko lang nalaman yung pangalan niya

Nung maramdamang kong lilingunin na niya ako ay agad kong iniwas ang paningin ko sakanya at tumingin nalang sa pinapanuod ko. Oo nga pala Beastly ang pinapanuod namin, naimagine ko nga kung what if maging ganyan si Ralf may tao kayang kagaya nung babaeng papansin sakanya? Pano kung forever na siyang ganyan? Tsaka dati kaya mayabang na talaga siya? Diba nadedevelop lang ang ugali ng tao dahil sa environment nito? What if kung dati mabait naman pala siya tapos may isang event lang na hindi maganda kaya naging ganyan siya, yung tipong way niya lang yun para matago yung nararamdaman niya

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon