Chapter XIII

456 25 6
                                    

Sobrang saya ko! Dahil ilang oras nalang makakalabas na kami ni Gab sa bahay na to, gusto kasi naming pareho na pagkalabas na pagkalabas namin dito ay mag sesettle down na kami, yung para bang sesryosohin na namin yung relationship namin, gusto ko kasi siya ipakilala ng personal kila mama kahit na alam kong nakilala na nila siya sa TV pero iba pa rin kasi pag sa personal diba? 

These past few weeks wala naman masyadong nangyaring kakaiba, pumayag naman na ako na tapusin ang game show na ito, since marami pang weeks, kung anu-ano nalang ang ginawa namin. Marami rami na rin kaming nasagutang tanong kaya humiling ako ng iba't-ibang bagay, humiling ako ng bahay para saming dalawa ni Gab, ng isang fortuner para parin samin ni Gab, kasi nga diba napagplanuhan na naming mag settle down, gusto na daw kasi niyang maglive in kami kaya pumayag naman ako since wala namang masama dahil matanda na kami diba, at isa pa mahal na mahal namin ang isat-isa

"And now let's all welcome the two elites who survived The Interview! Ralf Delos Reyes and Pariz Lopez!!"

Narinig na namin ni Gab yung cue namin, nagulat naman ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay kaya napatingin ako sakanya at ngumiti. Unti unti kaming naglakad palabas ng bahay na to, palabas ng bahay na nagbigay samin ng maraming memories, pero sa paglabas namin ng bahay na ito, panibagong simula naman ang sasalubong samin. Mga panibagong hamon.

Nang makarating kami sa stage halos malula ako sa dami ng tao, nakita ko agad sila mama na nakangiti, meron din naman puro fan girls ni Gab pero ang nakakagulat meron na pala kaming mga fans na pinagsama at bumuo pa sila ng love team PaRalf love team. ang sagwa pakinggan pero nakakatuwa kasi sa labas pala ng bahay na yun marami ang nagmamahal samin. 

Pinaupo na kami dun sa may dalawang chair parahap dun sa upuan nung host, ito na ata yung part na iinterviewhin kami nung host

"So how was your experience inside the house Ms Lopez?"

Tumingin ako sa interviewer at ngumiti 

"all in all it was exciting, at first I dont know what to expect inside the house but then as the time goes by I learned to appreciate everything, I learned how to live with it. I learned how to forgive, and to love again"

Narinig ko namang sabay sabay na nag "awwww" yung mga fans at napangiti naman yung interviewer sakin, sunod naman niyang tinanong si Gab

"So Mr. Delos Reyes, how are you feeling that everything that you planed turns out to be a success?"

"Of course I'm happy. I'm happy that I took the risk to do this, because at the end the price that I recieved was more than what I expected"

tumingin siya sakin at ngumiti, napatingin naman ako sa baba dahil ramdam ko nanaman yung pamumula ng muka ko, napahigpit din yung hawak ko sa kamay ni Gab. Grabe talaga siya, walang pinipiling lugar kung kailan ako papakiligin

"Before anything I would like to show you this little presentation of the different scenes inside the house"

Biglang may nagplay sa projector na isang video, puro mga experiences namin ni Gab sa loob, mga tawanan, kulitan, harutan at syempre kalungkutan. Kung titignan marami na palang nangyari samin sa loob ng dalawang buwan, dati rati pakiramdam ko ang bilis dumaan ng araw pero sa loob nung bahay hindi ko akalaing dalawang buwan lang pala kami sa loob ng bahay na yun, habang nagplaplay yung video bigla naman akong binitawan ni Ralf at tumayo siya palayo nang wala man lang pasabi. Problema nun?

After nung video biglang namatay yung mga ilaw sa stage kaya dumilim ng bahagya, marami ang sumigaw sa gulat pero napakalma naman agad sila nung mga staff, pinatayo na ko nung babaeng nagiinterview at sinamahan sa may gilid ng stage. Bigla ulit may nagplay na video this time muka lang ni Gab yung nandun at yung background niya ay yung living room nung bahay.

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon