Chapter IV

518 26 6
                                    

Everything is ready, everything is fine

Elegant, extravagant, simple yet beautiful, breathtaking  

Yan yung mga words na nagdedescribe nung venue for the wedding, napagplanuhang isang garden wedding ang idadaos, open for everyone kasi ito kaya mas kailangan ng mas malaking venue, white, skyblue, and bluegreen and color for the wedding. Happy Ever After ang motive, isang mala fairytale na wedding yun kasi ang napagolanuhan ng management since magiging live daw ang airing nitong wedding, special chapter ng The Interview. gusto kasi nila itong maging isang dream wedding ng bawat tao

 Finally, ang pinakahihintay ko.

After akong ayusan ng isang make-up artist, I immediately wear my wedding gown, naalala ko pa yung unang araw na nakita ko tong wedding dress na to, I really fell inlove with it kaya binili namin siya agad ni Gab. Kanina pa daw nakaalis sila mommy at Gab, ang daming words of wisdom sakin nila mama lalo na si papa. pero hindi ko naman siya masisisi kasi ang little princess niya magiging someone's queen na.

After all the preparations, nagkaroon pa ng solo picture taking and pagkatapos ng lahat nang yun, dideretso na kami sa venue.

I can't wait to see my future husband, pero mas hindi ako makapaghintay sabihin ang I do ko

Ralf's POV

Kanina pa kami dito sa vunue and hanggang ngayon wala pa rin sila Riz, hindi ako mapakali, ganito pa la yung feeling nun, hindi ko madescribe, parang kahit sigurado na kong darating siya meron paring parte sakin na nangangamba, dahil hanggat hindi ko siya makikita na lumalakad palapit sakin hindi ako mapapanatag

Ang pinakabestfriend ko sa industry ang naging best man ko. Kanina pa nga niya ako tinatawanan dahil kanina pa ko palakad lakad sa harap ng altar. Bakit ba kasi ang tagal niya?! Kinakabahan pa ko sa wedding vows ko kahit na may nabuo na ko sa isipan ko kanina syempre hindi ko alam kung ganung ganun yung masasabi ko, mas maganda kasi pag biglaan para mas galing sa puso diba?

Lumapit sakin si daddy

"Oh, relax lang Gabby, hindi pa naman ganun kalate ang 7 minutes eh"

"Pero daddy! 7 minutes! 7 crappy minutes na ko naghihintay! Bakit kasi ang tagal!"

"HAHAHA! Ganyang ganyan din ang reaction ko dati nung kinasal kami ng mommy mo, sa totoo lang 15 minutes ako naghintay nun, akala ko nga hindi na darating ang mommy mo eh, pero syempre sa tagal ba naman nag hinintay kong pakasalan ang mommy mo, ano ba naman ang 15 minutes diba?"

Sabagay, sa sobrang tagal kong hindi nakasama si Riz, 7 minutes is nothing compared to that. I smiled at my father, dahan dahan niyang tinapik ang balikat ko at kasabay naman nun ang paglapit samin ng organizer 

"Nandyan na po ang bride"

Yung kaba ko kanina biglang napalitan ng excitement, madaming tao ang nakikicelebrate samin ngayon, madaming camera ang nakatutok samin pero okay lang, at least maraming makakasaksi sa pagpapalitan namin ng vows ni Riz

The moment she position herself, and the moment that our eyes met, unti unti kong naramdaman ang pagpatak ng luha ko. 

Oo alam kong pangbading pero hindi ko mapigilan dahil sa sobrang saya nang nararamdaman ko, nakita kong ngumiti sakin si Riz kaya napangiti din ako, inabutan ako ng panyo ng bestman ko at agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Kasabay ng paglakad ng mga flower girls ay ang pagkanta ng isang babae. Actually hindi nga bagay yung kantang to para sa wedding namin, pero nung narinig ni Riz to sa radio ng kotse ko, nagustuhan niya agad kaya wala na kong nagawa, gusto niya to eh. pero yung mga songs para sa reception syempre ako na ang pumili, madaya naman kung siya pa rin diba? hahaha

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon