Questions for FOUR consecutive weeks
> Did you use other girls to forget her?
> Do you think you can still find a girl like her?
> Favorite place you hang out during high school
> May chance ba si Pariz sa puso mo?
WHAT THE EFFFFFF! NAKAKAINISS! Bukod sa sabay sabay na dumating yung questions, nakakawalang gana pa yung pang apat at take note, NAKATALOG siya ha! infairlaloo! Nakoo! subukan lang niyang sabihing wala akong pagasa sa harap ng maraming manunuod mapuputulan siya ng dila! Kainis! >.<
For sure naman yung una at pangalawa alam ko nang Oo yung sagot niya, sus if i know lahat naman ng lalaki ganyan eh, gagamit ng iba para lang makalimot. yan mismo ang pinagkaiba ng babae sa lalaki pero syempre naiintindihan ko naman sila kasi syempre ayaw nilang ilabas sa iba yung nararamdaman nila ayaw nila magmukang mahina
Masyado kasing mahala sakanila yung pesteng pride nila
> Did you use other girls to forget her?
Nasa kusina kami nung araw na natanong ko sakanya tong bagay na to, siya kasi naka-assign na maghugas ng pinggan namin kaya ayun tinanong ko nalang siya dahil wala akong magawa
"Gumamit ka ba ng ibang girls para makalimutan mo...."
SHIT! Nakoo! ang tanga ko talaga! napaka straight to the point ng tanong ko!! >.<
bigla niyang nabitawan yung platong hinuhugasan niya dahilan para mabasag ito sa sahig
"Oo"
"Sabi na eh! Sabi ko na nga ba gagam..."
"Yun naman gusto mong marinig na sagot diba? Kaya Oo, gumamit ako ng iba. okay na?"
"Hindi naman sa ganun pero...."
Halaaaaaaaaaa! Na-bv ko ata!! bigla ba naman akong walk outan! hindi pa nga niya naaayos yung nabasag na pinggan eh! >.<
After ilang minutes na paghihintay at wala pa ring bumabalik na Ralf sa kusina, isa-isa kong pinulot yung mga basag na pinggan, buti nalang hindi ako nasugatan sa pagpupulot pero nagulat ako ng may makita akong mga patak ng dugo...NASUGATAN ATA SIYA! O_O
Dahil sa sobrang panic ko tinapon ko na agad yung basag na plato sa may basurahan at kinuha yung first aid kit sa cr at agad dumeretso sa kwarto niya
"Ralf?! Ralf?! Open the door! Ralf!"
katok ako ng kato pero wala pa ring sumasagot
"HOY RALF! BUKSAN MO TO!"
Kakatok pa sana ako ng isa ng biglang magbukas yung pinto, muntik na tuloy tumama yung kamay ko sa muka niya
"Ano bang problema mo?!"
Nandun pa rin sa muka niya yung pagkairita pero di ko yun pinansin at agad pumasok sa kwarto niya
"Ok ka lang ba? San ka nasugatan? Masakit ba? Akin na....."
"PWEDE BA! ANG INGAY MO!"
"So-sorry"
"Bakit ka ba pumunta dito?!"
"Ano..kasi..ano..nakakita kasi ako ng dugo sa kusina kanina kaya nagpunta ako dito para sana ano...para sana...gamutin ka"
Hindi pa rin maalis sa muka niya yung pagkabanas, for sure galit na galit pa rin to sakin. hindi ko naman kasi alam na masasaktan siya sa tanong na yun.
"Labas!"
"Pero Ralf pano yung..,"
"LABAS SABI EH!"
napayuko nalang ako dahil takot na takot na ko, kasi kanina pa niya ako sinisigawan pero nagulat ako ng makita ko yung malaking sugat sa paa niya, super umaagos yung dugo tapos ang haba pa nung sugat
"HINDI KA BA NAKIKINIG?! SINABING LABAS EH!"
Wala akong paki kung sinisigawan na niya ko, umupo ako sa harap niya at inayos yung gamit sa kinuha ko sa first aid kit, hindi na rin siya nakapagsalita kaya tinuloy ko na yung paggamot at nang matapos na ay agad akong tumayo para umalis
"Tapos na, sana maging ok na yang paa mo. sorry pala kanina"
Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya dahil baka sigawan lang niya ko. agad akong bumaba sa may cr para ibalik yung first aid tapos pumunta na ko sa kusina para tapusin yung hinuhugasan niya. after nun ay agad akong dumeretso sa kwarto para magpahinga
Agad akong napahiga sa kama sa sobrang pagod!
"Hayyy! Ok lang kung nasigawan ako ngayon, kasalanan ko naman eh. pero atleast hindi niya tinago yung galit niya kahit na ang daming nanunuod"
Bukas promise! kakausapin ko na talaga siya at magsosorry ako ng matino. Sana naman malamig na yung ulo niya sakin bukas.
---------------------------------------------------------------------------
[A/N]: Haleeeeeer! wala lang. masaya lang si author ngayon kasi pasado ako sa lahat ng subjects ko! hahahaha! Oo nga pala, baka sa december na yung susunod na update sa "Who are you" kasi po nawala yung draft ko para sa story na yun!! huhuhu TT______TT
Kaya gagawa ulit ako ng bago simula umpisa para alam ko yung flow. ewan ko ba bigla nalang *poof* nawala na siya kung kailan gusto kong mag UD -_______-
Pero well, dahil dun dito muna ako magfofocus! and gusto ko lang sabihin na HELLO SEMBREAK! :') enjoy your break from classes guys and girls!
love-love
~Jaz
BINABASA MO ANG
The Interview
AdventureDahil sa isang interview nagbago ang takbo ng buhay ko. Dahil sa isang interview may maaalala ako sa nakaraan na matagal ko nang kinalimutan. Dahil sa isang interview natuto ulit akong masaktan.