Chapter V

482 27 3
                                    

[A/N]: Una sa lahat, sorrrrrry kung ngayon lang ako nag UD, busy kasi ako sa mga exams sa school ngayon kaya hindi ako nag lalaptop these days. sorry talaga! sobrang pagod na nga kami eh tapos may works pa na nakayambak lagi sa council, secretary kasi ako sa student council ng course namin kaya di pwedeng hindi gumawa ng trabaho at di umattend ng mga meeting -_____-

So ayun. Enjoyin niyo ang Update kahit na short UD lang ito, babawi nalang ako sa susunod! love you guys! >:D<

---------------------------------------------------------------------------------

 'SINO ANG BABAENG TINUTUKOY NIYA SA UNANG TANONG?'

'SINO ANG BABAENG TINUTUKOY NIYA SA UNANG TANONG?' 

'SINO ANG BABAENG TINUTUKOY NIYA SA UNANG TANONG?' 

'SINO ANG BABAENG TINUTUKOY NIYA SA UNANG TANONG?'

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! MABABALIW NA KOOO! Kanina pa ko paikot ikot sa kwarto ko, hindi ko alam kung paano ko tatanungin tong tanong na to sakanya, simula nang makuha ko to nung isang araw, hindi ko na matuloy tuloy yung sasabihin ko pag nasa topic na kami na ito para kasing iniiwasan niya yung tanong yung tipong tatanungin ko kung anong nangyari sa kanila nung babae biglang sasabihin niya na 'nagugutom na ko, luto ka naman diyan oh' o kaya naman 'ang init naman ngayon, maliligo lang ako ha?' PURO GANYAAAAAAAN! NAKAKAINISSSS!

*knock-knock!

Langya! kitang nag-iisip ako dito eh! istorbo naman to!

"Pasok!"

"Umm, Riz, gusto sana kita makausap nang hindi naririnig ng iba kaya dito na ko dumeretso kasi alam kong dito lang yung walang camera, pwede ba?"

"O-okay si-sige"

Kinakabahan ako, ano kayang gustong sabihin nito? at kailangan privateeee? SHEEEET! Umupo nalang ako sa kama ko at nag dekwatro at naka-crossarm habang nakatingin sakanya, taray effect ang peg ko ngayon. WAHAHAHAHAHA! SHET! Nababaliw na nga ako -__-

"Bakit? ano yung gusto mong sabihin?"

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko habang nakayuko pa rin. problema nito?

"Nung araw na nagkahiwalay kami, alam ko sa sarili ko na kasalanan ko yun, alam ko na ako yung dahilan kung bakit niya nagawa sakin yun, ang sama ko kasi sakanya dati, ako yung unang nangiwan sakanya masyado kasi akong nabulag nun sa mga bagay na nasa harapan ko, masyado kasi akong nagpadala sa ibang tao kaya maski siya nagawa kong saktan, pero natuwa nga ako kasi tinanggap niya ko ulit noon, nung mga panahong nawala lahat ng mga kinololokohan ko, nung mga panahong akala ko mag-isa nalang ako"

Teka, so kwinekwento na niya sakin yung nangyari sakanila? Is this a sign na he's giving his trust to me?

"Pero yun ang isa sa mga pagkakamali ko, ang bumalik sakanya"

Huh? anong pinagsasabi nito? Hindi ko gets! natuwa siya nung tinanggap siya pero tinuring niyang pagkakamali yun? ANOOO DAW!?

"Dahil kasi dun nasaktan ko siya, dahil kasi dun nawala siya sakin. Nagpagamit ulit kasi ako sa mga taong nangiwan sakin dati, sabi kasi nila pag nagawa ko siyang saktan, tatanggapin ulit nila ako sa grupo, hindi ako nag-isip nun, nabulag ako sa kasikatan na gusto kong makuha, kaya sinaktan ko siya ulit, pinagtawanan siya nun nang mga kasama ko nung sinaktan ko siya kaso ang di ko akalain ay ako pala yung masasaktan, nung mga panahong nakita kong halos pagsamantalahan na siya ng mga kasama ko, nagalit ako, nagwala ako, dahil dun ko narealize na mahal ko na pala yung babaeng nagpabago sa buhay ko, kaya inayos ko ang lahat, bumalik ako sa pagiging isang ordinaryong lalaki kaso iniwan niya ko"

Nakita kong unti-unting pumapatak yung mga luha niya, nakayuko kasi ito kaya kitang kita na umiiyak ito, at halata na rin sa boses nito kung gaano siya nasasaktan at nalulungkot

"Sabi niya sakin, lalayuan na daw niya ko dahil pag nasa malapit daw siya lagi nalang akong napapahamak, dahil kasi sa nangyari muntik na kong mapaalis nang school kaya para daw walang gulo lalayo nalang siya, nagulat na nga lang ako nung malaman ko kinabukasan na nag drop na siya sa school namin at lumipat sa malayong lugar, sinubukan ko kasi siyang puntahan sa bahay nila kaso wala nang tao, kaya galit na galit ako sa sarili ko nun, sobrang galit ko nun, kung di kasi ako nabulag sa mga bagay nun, hindi magiging ganun yung kahahantungan namin, kung naging kontento lang sana ako sa kung anong meron ako, magiging masaya sana ako ngayon"

pinunasan niya ang luha sa mga mata niya, hindi ko akalain na napakahalaga nang bagay na to para sakanya siguro hindi ko nalang tatanungin sakanya yung tanong ko, hindi naman siguro ganun kabigat yung parusa diba? Ang bigat kasi sa loob ko kung tatanungin ko pa dahil ito pa nga lang hirap na hirap na siyang sabihin sakin at ayaw na ayaw niyang may makaalam na iba, pano pa kaya kung nalaman nang lahat kung sino yung babae diba?

Hahayaan ko nalang muna na ganito ang lahat, katulad nga nang sinabi niya, kailangan makuntento muna ako sa tiwala na binigay niya, baka kasi pag pinagpilitan ko yung tanong ko, mainis siya sakin at baka hindi na niya ako kausapin

ewan ko pero nung hindi kami nagpansinan, ang bigat sa pakiramdam, para bang may kulang, tinitignan ko lang siya sa malayo nun, gustong gusto ko na nga siyang kausapin o kaya kibuin kaso baka mapahiya lang ako kaya ang saya ko nung siya yung unang kumausap sakin, gumaan yung pakiramdam ko nun, as in parang nabunutan ako nang tinik

Tapos ngayon mas sumaya pa ko dahil nagsabi siya sakin nang isang bahagi na napakahalaga sakanya nung nakaraan para bang nagbahagi siya nang isang parte ng buhay niya sakin. 

Sa di ko malamang dahilan ay bigla nalang akong napayakap sakanya, para bang gustong gusto kong alisin yung lungkot na nararamdaman niya, mas mahirap kasi yung pinagdaanan niya dahil may halong pagsisisi yung nararamdaman niya at alam ko hanggang ngayon dala pa rin niya yun

"Wag ka mag-alala siguro naman ngayon, napatawad ka na niya"

Hindi ko alam yung sasabihin ko pero sana tama ako, sana nga napatawad na siya nung babaeng minahal niya nang sobra, sana nga matagal nang nawala sa puso nung babaeng yun yung nangyari para mawala na sa loob ni Ralf yung bigat at sakit na nararamdaman niya.

Sana nga.

The InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon