Prologue

16.1K 140 10
                                    

"AMURI EMPIRE"

The combined names of the siblings

A is for the older Aislan, and Mu is for his name Mufasa. And Ri, their older sister, Ariaña.

His parents are strict when it comes to them. Masyado silang mahal ng kanilang magulang ni hindi nga sila nakadama ng pagkukulang, lahat ng pangangailangan nila ay ibinibigay ng mga ito sa kanila.

At wala sa kanilang tradisyon ang salitang "NEGOSYO" dahil isinumpa iyan ng kanilang lolo na si Alvin Monhito na isang judge...

Si Ariaña ang sumunod sa yapak ng kanilang lolo, pero hindi niya masisisi kung bakit naging prosecutor na ngayon ang kaniyang bunsong kapatid na babae.

Sa panahon pa lamang na siya'y nag aaral pa ay plinano na niyang magpatayo ng negosyo, noong siya ay nagpatayo ng hindi kalakihang fast food chain ay tutol na ang kaniyang mga magulang.

Lalona ang kaniyang lolo na kulang nalang ay palalayasin siya sa poder ng kaniyang mga magulang, kung hindi lang sana na kumbinsi ni Ariaña ang kanilang lolo baka saan na siya pupulutin ngayon.

Kaya laking pasasalamat niya sa kapatid na babae at malaki ang utang na loob niya dito, na hanggang ngayon ay hindi pa humihingi ng kapalit.

@AMURI EMPIRE IN PHILIPPINES

KASALUKUYAN siyang nasa loob ng opisina at pinermahan ang mga paper works na kailangan bukas sa pagpupulong ng karamihan.

Nag angat siya ng tingin ng bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at nakita niyang matangkad na babae na naka barefoot lang at panay ang silip nito sa maliit na butas ng kaniyang pinto.

"Excuse me?"

"Ayy, tikbalang!" malakas na sigaw nito habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib.

Umarko ang kilay niya ng makita ang napaka amo nitong mukha, umiling iling siya para pawiin ang mga iniisip niya.

Tumikhim siya at sinalubong ang mata nito, "Excuse me! Can I ask? Who are you?" aniya at tinuro ito gamit ang dulo ng kaniyang ball pen.

"Ahhm...pa-pasensiya na po...may humahabol po ka-kasi sakin at-!"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at natamaan ito, kaya tumilapon ito sa dingding at nawalan ng malay.

"Naku! Andito kalang pala! Kanina kapa namin hinahanap!" anang manong guard...

"Excuse me?"

Natulos naman sa kinatatayuan ang dalawang guwardiya, at pati narin ang isang guwardiya na akmang hahawakan ang braso ng dalagang walang malay.

"What happened in here?" Seryoso niyang tanong at binitawan ang paperwork, saka nilagay ito ng maayos sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Umupo siya ng maayos sa kaniyang swivel chair, saka pinagsiklop ang dalawang kamay at pinatong ang dalawang siko sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Si-Si pasensiya napo kung pumasok ka...kami sa lo...loob ng o...opisina niyo na walang pa...hi..hintulot...hinabol po kasi namin ang babaeng i...iyan!" utal utal nitong usal.

"What did she do? And why did you chase her?"

"Nag nakaw po kasi siya ng pa...pagkain sa ca...canteen ka...kanina!"

"Ahmm... I see."

Tumango tango siya bago humugot ng cash sa kaniyang wallet, at inabot ito sa gwardiya na bahagya pang nagulat.

"Sir, hindi po kayo dapat ang magbayad ng pagkain na kaniyang ninakaw dahil hindi naman po kayo ang kumain non!"

"What did you say? I'm not going to pay for the food she stole; I already gave you cash to pay for the food that I ate lately for breakfast!"

PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon