Chapter 1

6.3K 92 3
                                    

IDINILAT niya ang mga mata kahit pa namimigat ang kaniyang talukap, at isa pa masakit ang kaniyang buong katawan...

Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama...

Kama? Wait where am I?

Nilibot niya ang mata sa kabuuan ng silid, kulay asul at itim ang pintura sa loob ng kwarto,

Pinikit niya ang mga mata, ngunit sumagi sa kaniyang alaala ang nangyari kanina...

*Umuwi siyang pasan ang kamalasan, pumasok siya sa loob ng kanilang tahanan nama'y bato'ng kumapit sa kaniyang puso dahil sa sobrang bigat niyon, ilang beses na siyang nag apply sa trabaho ngunit isa doon ay hindi siya natanggap,

"Ate! May dala ka po bang pagkain? Nagugutom napo kasi ako." ana'ng kapatid niyang babae, may kislap ang mga mata nito na halatang naghihintay sa kaniyang sagot,

Umiling siya, ang mukha nitong kaninay masaya ay biglang lumungkot. niyakap niya ang nakababatang kapatid at humagulgol sa balikat nito...

*Bakit ba kasi namatay ng maaga ang kanilang mga magulang!*

"Halika! Huwag kang mag alala, maghahanap ulit ng trabaho si ate ah! Ito may binili akong tinapay para sayo, kasiyahin mo nalang iyan sa maliit mong tiyan!" inabutan niya ito ng tinapay na binili niya sa kanilang kapitbahay...

Umalis ito sa kaniyang harapan at tinungo ang maliit nilang sala...

*Knock! Knock!*

Tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ang land lady, pagbukas palang niya ng pintuan ay kamay na nitong nakalahad ang bumungad sa kaniya...

Bumuntong hininga siya, "Wala pa ho akong pera, hindi papo ako nakahanap ng trabaho!" yumuko siya...

PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon