Chapter 2

4.8K 51 1
                                    

AYUN sa sinabi ng kaniyang kapatid ay hinintay raw siya ni Cassie sa kanilang tambayan...

Hindi paman siya nakatawid sa tulay na gawa sa buo na kawayan ay naririnig na niya ang matalas na tili nito habang papalapit sa kaniya, kaya tumawid na siya kaagad sa tulay kahit gumiwang giwang ito...

Alam na niya kung anong mangyayari kapag nahuli siya nito habang patawid sa tulay, paniguradong sa kanal silang dalawa pupulitin...

Humigpit ang hawak niya sa railing ng tulay, dahil bigla itong gumiwang ng mabilis...

Nilingon niya si Cassie na ngayo'y patakbong lalapit sa kaniya, huli na para tumakbo din siya patungo sa dulo ng tulay dahil maagap siya nitong niyakap kaya sabay silang nahulog sa tulay at bumagsak silang dalawa sa hugis bilog na kanal...

Napangiwi siya ng sumakit ang kaniyang pang upo at balakang...

Kanina na parang kuala'ng nakakakapit ng puno si Cassie ay tumayo ito at pinagpagan ang mga kamay namay maraming putik at nilahad nito ang palad para tulungan siyang makatayo kahit naglalagkit na ang kaniyang mga kamay at braso...

Tumawa pa ang loko habang pinaningkitan niya ito ng mata...

Madumi na ang kaniyang damit at mag mukha na siyang batang grasa...

"Ano na naman ang plano mo Cassie?!" kunwaring galit galitan niya...

"Heh! Subsob ka nalang palagi sa paghahanap ng trabaho, hindi mo nga naaalala na friensary natin ngayon!" pinaikutan siya nito ng mata...

Friendsary?

Ayy, Oo nga pala December 20 ang ika apat na taon nilang pagkakaibigan ni Cassadro Buenavista o ma's kilalang Cassie isa itong beki na transgender, nakilala niya ito nong nasa high school pa siya at akala nga niya nanliligaw ito sa kaniya, iyun pala ay makikipag kaibigan lang...

Nong una ay nasasayangin siya sa ka guwapohang taglay nito, pero wala siyang magagawa dahil umamin ito mismo sa harap ng diyos na bakla ito, at nanumpa pa ang lokoloko sa harapan ng pare...

Natawa siya ng maalala niya iyun...

"At bakit naman tumatawa ka diyan? Aber!" pinaningkitan siya nito ng mata...

"Duh? Bawal bang tumawa kung may naalala kang nakakatawa?" pinaikutan niya ito ng mata at nagkibit balikat...

"Hahahahah! alam mo, kasing mukha mo ang batang grasa dahil diyan sa hitsura mo, hahahah!"

Dahil sa inis niya ay dumampot siya ng putik at ibinato niya Kay Cassie...

Sapol ito sa mukha, tumawa siya ng makita ang hitsura nito, ang mata lang at ang bibig nito ang walang putik subalit ang buong mukha ay napapaligiran ng putik...

"Bagong maskara! Hahahahah!" sapo sapo niya ang tiyan, dahil sumasakit iyun sa kakatawa...

Natigilan siya ng may pumasok sa kaniyang bibig...

Bibig?

Idinura niya ang putik na pumasok sa loob ng kaniyang bibig, muntikan na niyang malunok iyun...

Pumalatak naman ng tawa si Cassie...

"Bagong Juice, hahahahah!"

Nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa nandidiri siya...

"Diyan ka nga! Puntangina mo!"

Sigaw niya at umakyat palabas ng kanal...

Tumakbo siya papasok sa loob ng kagubatan kung saan ang kanilang paboritong paligoan...

PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon