Chapter 26

1.7K 31 2
                                    

NADUDULING siya sa sinabi ni Ma'am Aliana kanina.


*juice colored, ilang apo ba ang gusto ng ginang. ang anak nitong babae ay buntis at kambal ang magiging apo nito. pero jusko! Ito ata ang susunod sa yapak ni Ma'am Kristina. na ngayo’y apat na ang apo.*


Tulala siyang nakatingin sa infant wear, habang si Ma'am Aliana naman ay abala sa pakikipag usap kay Ma'am Kristina. kung ano po daw ang magandang damit para sa kambal.


Sa totoo lang nagsisisi na siya.


*Aber, bakit ka naman magsisisi?* tanong ng kabilang isip niya.


*Dahil, pinapatay ko sa pamamagitan ng pills ang anak ko.* sagot naman ng kabilang isip.


Natigilan siya.

Anak ko?

Anak ko?

*Pwede mo namang buhayin ang anak mo, at isa pa. Hindi kana umiinom ng pills.* sabi ng isip niya.


Parang tumigil sa pag inog ang mundo niya.


Oh my god, sana tama ang hinala niya, Tatlong araw na siyang hindi umiinom ng pills.


Possible kayang?


Umiling siya.


Hindi pwede, magagalit si Mufasa kapag mabuntis siya.


*So, habang buhay mo nalang papatayin ang bata? Ameurfina gusto din ng anak mo na makilala ang mundo.*


Hindi niya namalayan na tinawag na pala siya ni Ma'am Aliana.


"Hija, ayos kalang ba?" hinawakan siya nito sa balikat.


Napakurap siya. "Huh? A-ayos lang po ako, punta lang po ako ng restroom." aniya.


Tinanguan siya nito at binigyan ng daan, tinungo niya ang restroom.


Binuksan niya ang gripo at nag hilamos ng tubig.


"Alam mo, ang saya saya ko ngayong araw na ito." umusog siya ng kaunti, para bigyan ng espasyo ang dalawang babae na pumasok sa loob ng restroom.


"Bakit ka naman sasaya? Ano bang meron?"


Alam niyang masama ang makinig ng usapan ng ibang tao, pero curios lang siya. Nag panggap siyang naghugas ng kamay.


"Alam mo kasi, pumunta kami ng OB-GYNE kanina at na surprise ako sa sinabi niya."


"Ano'ng sinabi niya?"


"Buntis ako!" masayang anunsiyo nito.


"Wow, congrats sa 'yo sis. masaya ako para sayo."


"Salamat sis, matagal ko na itong pinangarap ang magka anak. kaya ito na sis, ito na ang hinihintay ko."


Sinara niya ang gripo at hinarap ito.


PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon