Chapter 27

1.7K 35 1
                                    

“INUMIN muna 'yan."


Tumango siya at tumayo. nanghihinang lumapit siya sa cubicle ng banyo.


"Ameurfina?!"


"Maliligo lang muna ako."


"Sige, magluluto lang ako. hintayin kita sa baba." narinig niya ang yabag nito pa alis.


"Not this time baby, you well see the world and you can live a normal life."


Dinampot niya ang kaheta, lumapit siya sa inidoro. nilabas niya ang lahat ng laman. fin-lash niya ito pagkatapos.



Pinanood lang niya ang mga tableta na tinangay ng tubig, hanggang sa mawala ito sa paningin niya.


Nanginginig na umupo siya sa tiles at hinayaan ang sarili na mabasa ng tubig.


Pag baba niya ng hagdan ay nakita niya si Mufasa na abala sa pag aayos ng mesa.


"Kumain na tayo."


Tumango siya, pinaghugot siya nito ng silya. "Nasaan pala si Amery?" buong araw niyang hindi nakita ang kapatid.


"Sabi niya, pupunta siya sa bahay ni Cricket."


Sumubo siya ng pagkain at halos hindi na malunok ang kinakain niya.


"Bagay ba sa 'kin ito?" tanong ni Mufasa sa kanya. Tinapos niya ang pag hugas ng pinggan at hinarap ito.


Naka color maroon three piece suit ito.


"Saan ka pala pupunta?"


Lumapit ito sa kanya, "Ameu, mawawala ako dito ng dalawang araw. pupunta ako ng Russia."


"Ano'ng gagawin mo doon?" kinakabahan niyang tanong.


"Business." anito.


"Business?"


Tumango ito. "But don't worry, babalik din naman agad ako. may problema lang sa kompanya kaya kailangan ako doon."


Niyakap niya ito ng mahigpit, pakiramdam niya nangungulila na siya sa binata. kahit hindi pa ito umaalis.


"Ma-mi miss kita." aniya at niyakap ito.


"Ako din." tumunog ang cellphone nito, senyales na aalis na ito.


"I have to go Ameu, inumin mo ang pills mo. at huwag kang magpa gutom, kumain sa tamang oras." Hinalikan siya nito sa labi.


Lumabas na ito bitbit ang maleta. "Mag ingat ka."


Tinanaw niya ang sasakyan nitong papalayo, bumuga siya ng hangin at tinungo ang kwarto.


Paghiga niya sa kama ay nahagip ng mata niya ang isang kulay itim na kahon, sa bed side table. kinuha niya ito at napasinghap siya.


*Ring!Ring!*


Nilabas niya ito sa kahon at tiningnan sa screen ang tumatawag.


*Husband Calling...*


Umikot ang mata niya.


Ang Jeje naman...


Sinagot niya ito. "Hello."


"I know you well find it."


Umirap siya, "Malamang, Nakita ko nga iyang buhay diyan sa ilalim ng pantalon mo, na kay hirap buksan iyang zipper mo'ng nangangagat sa daliri. bagay pa kayang nakapatong sa bed side table na kay dali lang makita?"


PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon