Chapter 13

2.4K 44 1
                                    

PINIGA niya ang basang bimpo at binabad sa malinis na tubig upang gamitin ulit sa pagpunas ng mukha sa babae

Napaka ganda nito. wala siyang masabi.

Tatlong araw na itong walang malay. binaba niya ang bimpo at hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa tiyan.

“Sana magising napo kayo.” mahina niyang usal.

“Kumusta napo ang baby niya, Dok?”

Nilingon niya ang kanyang papa.

“Ayos naman po ang baby niya. kaso kailangan napo niyang gumising, kapag wala padin siyang malay pagkalipas ng dalawang araw. ay may posibilidad na mamatay ang sanggol sa sinapupunan niya.”

“Ano po ang kailangan nating gawin para magising na siya?”

“Sa ngayon ay wala tayong gagawin. hintayin nalang natin siyang magising.”

“Salamat po dok!”

“Walang anuman po iyun. basta po pilipino.”

Lumabas na ang doktor. at silang dalawa nalang ng kanyang papa ang naiwan sa loob ng kwarto.

Inalagaan mo ba siya ng maayos Ameu?” sabi nito sabay hawak sa kanyang balikat.

Tumango siya. “Sana po ay gumising napo siya. para po ay magiging safety ang kanyang baby.”

*Knock!Knock!*

Sabay silang napalingon sa taong kumatok sa pinto. “Mama!” mahina niyang tawag dito.

Lumapit ito sa kanila. “Handa napo ang hapunan. bumaba na kayo at ng makapag hapunan na tayo.”

PURE SEDUCTION #2 Unstoppable Pleasure (My Naughty Girl)  Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon