CHAPTER 3

37 1 4
                                    

Mainit na sinag ng araw ang dahilan kong bakit nagising ang diwa ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at tiningnan kong saan nanggaling ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Bahagyang napakunot ang aking noo ng nakitang may maliit na awang ang kortina na siyang nagsisilbing hadlang sa maliit kong bintana. Nakalimutan ko sigurong isara to kagabi.

Agad akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng aking maliit na bintana at maayos itong binuksan. Tumingin ako sa labas sumalubong sa aking mata ang napakagandang mga tanim na bulaklak ni mama.

Sabado ngayon kaya ibig sabihin ay dito maghahapunan ang mga kalog kong kaibigan. Pero hindi ko pa nasasabi kay mama. Agad akong lumabas ng aking kwarto at agad tinungo ang kusina para magtimpla ng gatas. Hindi alintana ang mukha kong hindi pa nakapag hilamos. Ito ang lagi kong ginagawa tuwing umaga, ang magtimpla ng gatas ko. Hindi makokomopleto ang araw ko pag wala akong gatas na iniinom.

Napapikit nalang ako dahil sa sarap ng unang pagsimsim ko sa tinimplang gatas. Ang sarap talaga.

"Anak." napatingin ako kay mama na bagong dating sa kusina na galing sa garden nito base na rin sa hawak nitong balde. Pero kahit ganon ay mababakas padin ang magandang mukha ni mama. Simple lang ang ganda ni mama pero nakakaangat yon at kaaya aya din sa paningin. Nasa mid 30 na din si mama pero mukha parin itong nasa late 20 nito. Napagkamalan na nga kaming magkapatid dahil kamukhang kamukha ko siya maliban sa aking mga mata na kulay abo, kulay itim naman ang kanyang mga mata. Siguro tanging mata lang ang nakuha ko sa papa  dahil hindi naman kami parehas nang kulay ng mga mata ni mama.

"Ma, good morning po." Nakangiting sabi ko at kinuha ang gatas ko bago lumapit sa tabi niya.

"Kumain kana ba?" tanong nito. Umiling naman ako saka pinakita sa kanya ang baso na hawak ko na may lamang gatas. Mukhang naintindihan naman ito saka tumango sa akin.

"Kumain ka pa rin ng kanin mamaya. Hindi pa din sapat yang gatas na iniinom mo baka kong mapano kapa." malunanay na sabi ni mama. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Ma dito daw maghahapunan ang mga kaibigan ko." sabi ko at agad tinungo ang lamesa para kumain na.

"Tamang tama dito din maghahapunan ang tita Kris mo sabay sabay na tayong maghapunan mamaya." tumango naman ako, mas lalong lumapad ang aking ngiti dahil sa narinig. Si tita Kris ang kaibigan ni mama na isang bakla.

"Anak dito ka lang ba? Mamalengke lang muna ako dahil naubusan na tayo ng stock ng pagkain." tumango naman ako. Gusto ko mang sumama pero meron pa akong bagong design na planong gawin ngayon.

"Dito na lang po ako may gagawin pa ako mamaya." sabi ko. Agad namang tumango si mama at pumanhik na sa kawarto nito para maghanda sa kanyang pamamalengke. Habang ako ay pinagpatuloy ang pagkain na inihanda ni mama.

Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni mama ng saktong bumaba na din siya.

"Aalis na ako ingat ka dito." Ani nito.

"Ingat din po kayo ma." sabi ko atsaka humalik sa pisngi nito. Tumango naman ito saka lumabas nang bahay.

Dumertso ako sa aking kwarto para kunin ang mga gamit ko para gawin ang design na hindi ko pa natatapos gawin. Dumertso ako sa likod ng bahay namin, may malaking puno ng Acacia doon at sa ilalim non ay may maliit na lamesa at upuang kahoy na kakasya sa apat na tao.

Seryoso kong ginawa ang naisipan kong iguhit. Hindi pinapansin ang pagdaan ng oras. Ang lahat ng atensyon ko ay nasa ginawa ko dahil gusto kong maganda ang kilalabasan nito.

"Dream house mo?" bigla akong napaigtad ng marinig ang boses ni isabella sa likoran ko. Ang aga naman ata ng lokang to?

"Ang aga mo." natatawang sabi ko bago niligpit ang ginawa ko. Tapos narin naman ako nang   bigla nalang sumulpot si Isabella.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now