CHAPTER 9

31 1 0
                                    

Shit! Paano na 'to? Paano ako makaka alis dito na hindi niya malalaman?

Para akong tanga na nakatingin lang sa aking cellphone na ngayon ay nag ri-ring na naman. Hindi ko alam kong sasagutin ko ba ito o hahayaan nalang hanggang sa matapos na naman ang pag ri-ring.

"Alam mo sissy kong wala kang balak sagutin yan mas mabuting e silent mo nalang." sabi ni Saffira nag dadalawang isip na e silent ko ba ang cellphone ko o hindi nalang. Isang buntong hininga ang aking ginawa saka binalik ang cellphone sa dala kong pouch.

"Uminom nalang tayo." Biglang tinaas ni Kira ang shot class na hawak saka itinaas sa ere. Ang kaninang tahimik na mga tao ay biglang naging wild nang nagsimulang magpatugtog ng sobrang lakas na musika.

Ang kaninang hindi gaanong mataong dance floor ay biglang napuno nang mga taong masayang nagsasayaw. Nanatili lang kaming nakatingin doon medyo nahihilo na din ako at pakiramdam ko ay maiihi na ako dahil sa kabang nararamdaman.

"Sissy." Tawag ni Kira sa akin. Tumingin ako sa kanya na may ininguso sa taas. Sinunod ko ang ang ininguso nito na sana hindi ko ginawa. Dahil ngayon kitang kita ko ang ginagawang live show ni Demon kasama ang isang sexy na babae. Nakaupo ang babae sa hita na Demon kaya tanging likod lang nito ang aking nakita. Nanghihinang napasandal ako sa sofa na kinauupuan ko ng makita kong paano gumanti nang halik si Demon. Umiwas ako ng tingin sa kanila at napayuko.

"Sayaw tayo." Marahan kong pinunasan ang aking luha na kumawala sa aking mga mata. Dahan sahan kong inangat ang aking ulo ng marinig ang sinabi ni Isabella.

"Nandito ang kuya mo." Ani ko pero wala parin itong imik na nakatingin sa VIP. Hindi ko na nagawang tumingin pa doon dahil hindi ko pa kakayanin kapag tumingin pa ako doon.

"Wala akong pakealam sa kanya at mas lalong wala din yong pakealam pag sumayaw ako." Sabi nito saka humarap sa akin.

"Game ako dyan." Medyo tipsy na din si Kira pero patuloy pa din itong umiinom.

"Hoy sissy hinay hinay naman wala tayong driver ngayon." Pagsaway ni Saffira dito saka kinuha ang alak na hawak ni Kira at inilapag sa lamesa. Walang pag alinlangan kinuha ko yon at inisang lagok. Napangiwi nalang ako ng maramdaman ang asim at sakit sa aking lalamunan dahil sa alak na yon.

"Juice colored bakit mo straight na ininom yon? Ang tapang non sissy." Nag alalang sabi ni Kira. Napatingin naman ako sa orange juice na inabot sa akin ni Saffira na agad ko namang kinuha at ininom.

"Gusto ko pa ng ganon." Ewan ko ba kong anong nangyare sa akin basta gusto ko lang magpaka lasing ngayon. Gusto kong mawala sa isipan ko ang lalaking nasa taas lang namin na may kahalikang iba.

"Mamaya na tayo sumayaw sissy inom muna tayo." Sabi ko saka kumuha pa ng alak sa waiter na dumaan. Gaya ng sinabi ko ay kumuha pa nang alak ang tatlo.

Ilang minuto din kaming umiinom ng maramdaman ko ang pagkahilo pero mas lumala lang ata ngayon.

"Tara na." Bigla akong hinila ni Saffira, nagpahila naman ako hanggang sa makarating kami sa dance floor. Lumingon ako sa likod nakasunod sa amin ang dalawang kaibigan ko na gaya ko ay mukhang excited din. Pumwesto kami sa gitna, nong una ay medyo naninibago ako at hindi komportable dahil sa dami ng tao. Pero nong nagsimulang sumayaw ang tatlo ay sumunod na din ako. Pakiramdam ko ay sobrang init ng aking pakiramdam kaya bahagya kong hinawi ang aking buhok na dahilan ng biglang hiyawan ng mga tao sa paligid namin. Tumingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko gaya ko ay meron ng kasayaw ang mga ito ngumisi pa si Saffira sa gawi ko na nginitian ko na din.

Mas lalong nabuhay ang aking loob ng biglang pinalitan ng rock ang sounds. Lahat ng tao ay napapahiyaw dahil sa sobrang kasiyahan at excited na nararamdaman.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now