Isang linggo na din ang dumaan simula nang tumira ako sa kanyang bahay. At sa pagdaan ng isang linggong pamamalagi ko sa kanyang bahay walang araw na hindi niya ako binibigyan ng regalo pag uwi niya. Kong minsan ay bulaklak, mga mamahaling gamit at iba pa. Ilang beses ko na din sinabi sa kanya na tama na ang kanyang pagbibigay ng regalo pero hindi pa din siya tumitigil kaya hinahayaan ko nalang.
Ngayon ay simula na naman akong pumasok sa Unibersidad dahil tapos na din ang Christmas break namin.
"Are you done love?" Mula sa aking kinauupuan tumingin ako sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa na nasa loob lang ng kwarto. Nakatingin siya sa bawat kilos ko na parang inoobserba kong anong gagawin ko.
Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus ay minamadali ko nalang ang pagsuklay sa aking buhok para hindi na siya mainip. Gaya ko ay handa na din siyang pumasok sa trabaho, nakasuot siya ng suit na talaga namang bumagay sa kanya.
"Tara na." Aya ko sa kanya saka kinuha ang bag ko at naglakad palapit sa kanya.
Agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin saka kinuha ang aking bag saka nilagay sa balikat niya. Lihim akong napangiti dahil sa kanyang ginawa. Naka alalay ang kanyang kamay sa aking beywang habang tinatahak namin ang hagdan pababa. Sabi niya sa elevator nalang daw kami ng bahay niya pero hindi ako pumayag mas pinili ko ang hagdan dahil dagdag exercise na din 'to. Wala naman siyang magawa kun'di ang sumunod sa sinabi ko na ipinagpasalmaat ko.
Agad kaming dumeretso sa garage ng kanyang mansyon kong saan nakaparada ang kanyang mga kotse. Nasa walong mamahaling kotse ang maayos na nandoon sa kanyang garahe at sigurado akong mamahalin ang lahat ng nandoon.
Tahimik lang ako habang nasa loob nang kanyang kotse. Tanging tango lang ang aking ginawa kong meron man siyang ihahabilin sa akin, ayaw ko ng magsalita baka kong saan pa mapunta ang pag uusapan namin.
Naramdaman ko nalang ang paghinto ng kotse na sinakyan namin kaya agad kong kinalas ang seat belt ko. Akmang bababa na sana ako ng bigla niyang hinila ang aking kamay kaya halos isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa.
Ang isang dangkal na layo namin kanina ay nawala dahil bigla nalang niyang hinila ang aking batok at dinampi ang kanyang labi sa akin. Tumugon ako sa iginawad niyang halik kaso ay masyadong mabilis ang kanyang galaw kaya hindi na ako nakasunod. Isang minuto ang naging halikan namin bago siya tumigil at marahang pinasadan ng kanyang isang daliri ang labi kong namamaga na dahil sa ginawa niyang pag halik.
"I will pick you exactly 5PM in the afternoon." Tumango lang ako bilang sagot sa kanyang sinabi.
Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse nang naramdaman ko na naman ang kanyang kamay na humawak sa aking braso.
"Don't talk to boys love." Bakas sa kanyang tinig ang kaseryosohan sa kanyang sinabi. Muli akong tumango saka binawi ang aking braso sa hawak niya saka dali daling lumabas ng kanyang kotse.
Isang sulyap muna ang aking ginawa sa kanyang sasakyan na hindi pa umaalis sa kong nasaan ito bago tuluyang pumasok sa loob ng University. Tahimik lang akong naglakad sa hallway papunta sa architecture building pinapakinggan ang mga kapwa ko estudyante na abala sa kani kanilang ginagawa.
"Sissy!" Agad akong lumingon para hanapin ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Biglang lumaki ang aking ngiti nang nakitang magkasabay ang tatlo kong kaibigan. Kumakaway sa gawi ko si Isabella kaya kumaway din ako pabalik.
"Dumaan kami sa bahay n'yo pero sabi ni Tita sa mansyon ni Demon kana daw nakatira." Bigla akong kinabahan dahil sa narinig na sinabi ni Kira.
"Totoo ba 'yon sissy?" Rinig kong sabi ni Isabella.
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION
General FictionTHE SUPERIOR TORTURERS SERIES 1 DEMON DIMITRI EL GRECO