Mataas na ang sikat ng araw ng ako ay nagising idagdag mo pa ang ingay na naririnig ko sa baba. Dahan dahan akong tumayo sa aking kama at agad dumertso sa banyo na nasa kwarto ko lang din. Hindi man ito kasing laki ng ibang banyo pero okay na din ito dahil nasa kwarto ko at hindi ko na kailangan lumabas pa.
Pagkatapos mag ayos ng sarili ay agad na akong lumabas dahil mas lalong umingay sa labas. Nang tuluyan na akong nakababa sumalubong sa akin ang komusyon sa sala.
"Nasaan si Catriona Ma?" Napakunot ang aking noo nang narinig ang pamilyar na boses na 'yon.
"Oh ayan na pala ang apo ko." Nakangiting sabi ni Lola agad naman akong lumapit sa kanila at doon ko lang napansin si Mama na siyang nakatalikod sa gawi ko kanina.
"Ma." Mahinang sabi ko saka lumapit at humalik sa kanyang pisngi.
"Kailangan nating mag usap sumunod ka sa akin." Seryosong sabi ni Mama. Walang pagdadalawang isip na sumunod ako, sa likod ng bahay pa din kami dumertso walang ibang tao ang nandoon kun'di kami lang.
"Totoo ba ang sinabi ni Demon na mag asawa na kayo?" Napalumok ako dahil sa sobrang seryoso ng boses ni mama habang mariin ding nakatingin sa akin.
"Ma..." Akmang magpapaliwanag na sana ako ng bigla nitong tinaas ang kanyang kamay tanda na pinapatigil niya ako sa aking pagsasalita.
"Huwag ka ng magpaliwanag dahil sinabi na sa akin ni Demon ang lahat. Ang gusto ko lang malaman mula sayo kong gusto mo ba na ikinasanal na kayo ngayon." Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata.
Tumingala muna ako bago muling tumingin sa kanya."Opo, gusto ko mahal ko po si Demon at handa po akong maikasal sa kanya." Mahinang sabi ko.
"Kong ganon pagkatapos ng pag aaral mo kailangan maikasal na kayo sa simbahan sa ayaw at sa gusto nyong dalawa." Biglang nanlaki ang aking mata na tumingin kay mama pero nanatiling seryoso lang ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.
"Ma." Hindi makapaniwalang bulalas ko. Halos nagmamakaawa na akong tumingin sa kanya kulang nalang lumuhod ako sa harapan niya para bawiin ang kanyang sinabi.
Paano kong tatanggi si Demon sa ideang magpapakasal kami? Oo sinabi niya sa akin kong gaano niya ako kamahal pero hindi parin mawawala sa aking isipan na possibleng mahal niya lang ako pero hindi pa siya handang pakasalan ako.
"Wala ka ng magagawa desisyon ko ang magpakasal kayo para din naman ito sayo." Laglag ang aking balikat na nakatingin kay Mama. Buong buo ang desisyon nitong base na din sa kaserysosohan sa mukha nito.
"Sa ngayon mag focus ka muna sa inyong dalawa kilalanin n'yo ang isat isa para pag kasal na kayong dalawa hindi na kayo mahirapan pa. At huwag mo ding kalimutan ang pag aaral mo Catriona." Wala sa sariling tumango nalang ako at umiwas ng tingin.
Rinig ko ang pagbuntong hininga ni mama saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at doon biglang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Yumakap ako pabalik.
"Huwag kang mag alala parati lang akong nandito para sayo, para gabayan ka." Mahinang sabi nito saka hinagod ang aking likod.
"Salamat Mama." Mahinang sabi ko saka kumalas sa yakap at agad pinunasan ang aking luha.
"Pumasok na kayo dahil kakain na tayo." Nakangiting sabi ni Lola
sabay kaming pumasok ni mama pero napakunot ang aking noo ng hindi naaninag ang aking asawa.
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION
Художественная прозаTHE SUPERIOR TORTURERS SERIES 1 DEMON DIMITRI EL GRECO