CHAPTER 7

28 0 0
                                    

Nagising ako mula sa aking mahimbing na tulog ng biglang may kumatok sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Sobrang lakas ng pagkatok kaya wala sa sariling bumangon nalang ako at dahan dahan tinungo ang pintuan para buksan iyon. Pagbukas ko ng pintuan biglang tumamabad sa akin si mama na naka apron pa galing siguro ito sa pagluto ng agahan namin.

"Ma goodmorning po." Mahinang sabi ko saka marahang ang aking morning glory. Lol

"Hay nakong bata ka maligo kana dahil may pasok ka pa ngayon. At bilis bilisan ang pag ligo mo dahil may bisita kapang nanghihintay  nandoon sa baba para sunduin ka daw." Sabi ni mama na nagtatakang tiningnan ko si mama na seryoso ang boses nito.

"Sino daw po?"Nagtatakang tanong ko bukod kay Demon at mga kaibigan ko wala ng nakaka alam sa aming bahay. Atsaka  simula kasi last week parang napapansin ko na wala ng ibang lalaki ang lumalapit sa akin. Pati na rin ang mga kaklase kong lalaki parang ni sulyap hindi nila nagawang makatingin sa akin. Ewan ko ba sa kanila noong nakaraan naman ay wala kaming problema pero kong nakaiwas sila ay parang may sakit akong nakakahawa. Tapos ganito sasabihin ni mama na may bisita ako sa baba.

"Ma si Isabella?" nag alalang tanong ko. Baka biglang sumulpot ang kuya nya mahirap na.

"May sumundo sa kanya isang lalaki sabi niya sa akin kapatid niya si Isabella kaya hinayaan ko nalang." Biglang nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Juice colored nasa delikadong sitwasyon ang kaibigan ko ngayon. Lord pakiusap tulungan nyo po siya. Pepeng dasal ko sa aking isipan.

"Ma bakit nyo siya pinasama? Bakit nyo hinayaan si Isabella na sumama sa demonyong lalaking yon?" Histerikal kong sabi. Marahan kong sinabunot ang aking buhok na ewan ko kong ano nang etsura ngayon.

"Bakit ba? Kapatid nya yon. Ikaw Catriona maligo kana dahil may ipapaliwanag kapa sa akin. Bilisan mo dyan baka mainip na ang bisita mo sa baba." seryosong sabi ni mama. Tumango nalang ako saka dali daling pumasok sa aking banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo nag bihis narin ako ng aking school uniform at saka ko sinuklay ang aking mahabang buhok na kulay itim. Nang matapos yon ay naglagay narin ako ng pulbo at konting liptint nalang sa aking labi. Saka isa isa munang tinitingnan ang laman ng aking bag, tiningnan kong may kulang ba o wala. Isang sunod sunod na malalakas na katok ang narinig ko galing sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Kaya dali dali kong inayos ang aking bag at halos  tinakbo ang kinaroroonan ng  pintuan para buksan ito.

Sigurado naman akong  si mama lang ito natagalan siguro sa 10 minutes kong pag aayos ng aking sarili. Ito na siguro ang pinaka madaling ligo na aking ginawa. Pagbukas ko ng pinto isang lalaki ang tumamabad sa akin na naka suot ng business suit walang iba kundi si Mr Elgreco. Anong ginawa nang lalaking 'to dito? Bahagya kung nilinga ang aking ulo para hanapin si mama. Nasaan si mama akala ko siya ang kumatok eh.

"Good morning po Sir" Nakangiting sabi ko. Pero sinamaan nalang niya ako ng tingin. Anong ginawa ko?  bumati lang naman ako sa kanya ng' good morning po sir'. May sayad talaga ang lalaking to eh.

"What took you so long?" Tanong nito. Matagal naba sa kanila ang sampung minuto na pagliligo at pag aayos ng isang babae? Parehas sila ni mama masyadong mainipin. Kong hindi dahil kay isabella... Hala si Isabella! Napahilamos nalang ako ng mukha. Bakit sa dinami dami ng makakalimutan ko siya pa talaga?!

Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinila ang aking palapulsuhan at sapilitan akong hinarap sa kanya. Nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa niya. Pero mas mukhang bibigay na ang aking tuhod ng biglang yumuko ang ulo nito. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang basang bagay na dumampi sa aking labi may pag iingat niyang ginagawa yon na para bang babasaging bagay ang aking labi at natatakot siyang mabasag yon.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now