Papalabas na kami ng aming classroom ng naalala ko pa ang librong iniwan ko sa aking locker kanina. Kaya napag pasyahan kung dumaan muna doon. Kailangan ko pa naman yun dahil sa isang assignment namin at ang report na hindi ko pa natapos kagabi.Pina una ko narin ang tatlong kaibigan ko sa parking lot ng university. Ayaw pa sana ng mga ito pero nag pumilit ako na doon na lang maghintay. Sinabi ko hindi naman ako magtatagal doon which is totoo naman libro lang ang kukunin ko at wala ng iba. Sa huli pumayag na din ang mga ito na mauna na sa parking lot.
Tahimik lang akong naglalakad papunta sa aking locker mahigpit na nakahawak sa strap ng bag ko. Pagdating doon meron pang mga estudyante ang nandoon marahil ay may kukunin din sila.
Dahan dahan kong binuksan ang aking locker at tumambad sa akin ang isang bouquet ng sari saring kulay ng mga tulips. Paano ito nakapasok sa locker ko? Nasa akin lang naman ang susi ng locker ko.
Maayos itoong naka arrange, sobrang ganda kinuha ko ito at inamoy. Napansin ko rin ang maliit na papel na nakaipit doon kinuha ko ito at binasa.
"FOR YOU"
Yan lang ang nakalagay. Walang initial na nakalagay. Sa mga nababasa ko naman ay meron mga initial na iniiwan pag nagpapadala ng ganitong regalo. Hindi naman ito sa mga libro lang Catriona.
Isinilid ko sa aking bag ang maliit na card na yon at maayos na kinuha ang bulaklak. Natatakot akong masira to sigurado akong mahal ang bulaklak na 'to. Baka kukunin din ng may ari dahil baka nagkamali din siya ng locker na pinaglagyan ng magandang bulaklak na 'to.
Napatingin ako sa mga estudyante na nagbubulungan habang dumadaan sa aking tabi. Nanlaki ang kanilang mata ng nakita nilang nakatingin ako sa kanila bahagya pang yumuko ang mga ito at muling tumingin sa akin. Nginitian ko nalang sila at kinuha na ang libro ko na muntik ko ng makalimutan dahil sa mga bulaklak na hawak ko.
Agad akong dumeretso sa parking lot. Nandoon na nga ang tatlo na pare parehong nakaupo sa isa sa mga bench doon. Sabay sabay pang tumingin ang mga ito sa akin, mababakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito. At alam ko na dahil dahil yon sa hawak kong mga magagandang bulaklak na 'to.
"Sissy kanino galing yan?" tanong ni Saffira na agad kinuha ang bulaklak sa akin. Bahagya nitong inamoy at sinuri.
"Ewan ko nakita ko lang yan sa loob ng locker ko." sagot ko.
"Sa loob ng locker mo? So ibig sabihin may nakabukas ng locker mo na hindi mo nalalaman." si Isabella. Napatahimik kami dahil sa kanyang sinabi. May punto si Isabella.
"Pero ang ganda ng mga bulaklak sissy ang sarap sa mata at ang bango pa." sabi ni kira at agad kinuha ang bulaklak kay saffira at binigay sa akin. Tinanggap ko ang bulaklak at maayos na dinala.
Mula nang araw na yon, ay mas walang araw na wala akong makikita na mga ibat ibang klase ng mga bulaklak sa loob ng locker ko. Nag report na din ako sa dean namin at binigyan ako nito ng bagong lock at susi. Pero kinabukasan lang non ay meron pa ding bulaklak ang nasa loob ng locker ko.
Hanggang ang isang araw ay naging buwan. Hindi ko nalang pinansin kong sino man ang nagpapadala ng mga bulaklak. Dahil mukhang kahit anong gawin ko ay makakatanggap pa din ako ng bulaklak. Isa pa wala namang nawawala sa mga gamit ko. Bukod sa may bulaklak na nakalagay doon ay wala nang nangyare o nawala pa.
Hapon ng biyernes lumabas na kaming University at tinungo ang malapit na nagtitinda ng siomai. Nag aya kasing kumain si Isabella ng siomai na pinaunlakan naman namin.
Pumasok kami sa loob ang daming tao ang nandoon. Halos lahat ay estudyante meron akong nakitang same University namin meron namang galing sa ibang University. Bihira kalang talaga makakita ng mga estudyante na galing sa University na pinapasukan namin na kumakain sa ganitong kainan dahil halos lahat nakaka angat sa buhay. Masikip din dahil sa maraming customers na kumakain at amoy pagkain din. Pero basta pagkain walang inuurungan ang tatlong 'to.
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION
General FictionTHE SUPERIOR TORTURERS SERIES 1 DEMON DIMITRI EL GRECO