CHAPTER 11

27 0 0
                                    



Nilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng sala kong nasaan kami ngayon. Napangiti ako ng nakitang maayos na naka hilera ang litrato naming mag anak.

"Nasaan ba ang mama mo iha? Bakit hindi mo siya kasama?" Napukaw ang aking atensyon sa tanong ni lolo.

"Pinauna na po niya ako dito lo, pero susunod naman daw si mama meron lang siyang konteng aasikasuhin trabaho bago sumunod dito." Sagot ko.

"Teka apo, kumain kana ba?" Agad akong umiling sa tanong ni Lola. Puro nalang Fita na biscuits ang kinakain ko at tubig naman sa panulak ko. Buti nalang at tinanong ako ni Lola kong kumain na ba ako o hindi dahil ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom.

"Ay siya Sandra apo tawagin mo na si Santi para sabay sabay na tayong maghapunan. Parating na din siguro ang inay at itay mo." Agad namang tumango si Sandra pero biglang nanlaki ang aking mata nang agad ako nitong hinila patayo.

"Lolo, Lola isasama ko na si Catriona." Sabi ni Sandra at agad ako nitong hinila palabas ng bahay.

"Marami ka tayong kailangang pag usapan mamaya." Nakangiting sabi ni Sandra. Tumango naman ako saka kinuha ang braso nito saka ako na mismo ang humila sa kanya.

Masaya kaming naglalakad papuntang basketball court dahil paniguradong nandoon daw si Santi. Si Santi ang lalaking pinsan ko na dalawang taon na bata sa amin ni Sandra na kapatid din niya at si Samie ang bunso na babae. Habang naglalakad kami biglang may lalaki na sumulpot sa harapan namin. Nakatingin ito kay Sandra.

"Sandra babe para sayo." Napatingin ako sa hawak nitong isang tangkay ng sunflower. Nilahad nito sa kay Sandra kaya dumapo ang aking mga mata kay Sandra na tinaasan ng kilay ang lalaki.

"Ano naman yang pa bulaklak mo Damien?" Naiinis na sabi ni Sandra dito. Tumingin ako sa lalaki biglang sumeryoso ang mukha nito na para bang inuutusan nito si Sandra na kunin ang bulaklak gamit ang mga seryosong mata nito.

"Last na 'to Damien. Huwag ka ng pumitas ng bulaklak basta basta nagmumukha kang magnanakaw sa ginagawa mo." Seryosong sabi ni Sandra saka kinuha ang inabot na bulaklak nang lalaki. Para namang pinagalitan ng kanyang mga magulang ang lalaki na bahagyang napakamot sa batok nito ay nahihiyang nag iwas ng tingin.

"Sino yon?" Tanong ko kay Sandra.

"Si Damien isang construction worker dyan sa ginagawang resort na malapit sa atin." Tumango naman ako. Hindi naman impossible yon dahil kilala ang Sta Inez dahil sa magagandang dagat na pwede mong pasyalan. Pero ang ipinagtataka kong totoo bang isa lang construction worker ang lalaking yon. Meron bang construction worker na sobrang gwapo? Ang ganda din ng katawan. Parehas na parehas sila ni Demon.

Si Demon...

Piniling ko nalang ang aking ulo para maiwasan isipin ang lalaking yon. Sigurado naman akong iba ang iniisip n'ya ngayon.

Nang nakarating kami sa basketball court ng lugar namin ay madaming tao ang nandoon. Parang katatapos din ng laro dahil mukhang paalis na din ang mga manonood.

"Pyesta sa makalawa kaya sobrang saya dito. Pasyal tayo mamaya kong hindi ka pagod." Nakangiting sabi ni Sandra. Masayang tumango naman ako ayos naman sa akin yon dahil napahaba naman ang tulog ko kanina habang nasa byahe ako.

"Santi!" Malakas na sigaw ni Sandra sa kapatid na abala sa paikipag usap sa mga grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng Jersey, mukhang ka team mates din ni Santi to dahil parehas naman sila ng damit.

Tumingin sa gawi namin si Santi mahina akong natawa ng biglang nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa gawi namin. Kinawayan ko siya saka nginitian meron pa itong sinabi sa mga kausap nito kanina bago nagtatakbo sa gawi namin.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now