CHAPTER 15

34 0 0
                                    


Nagising ako kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Kasabay non ang pagkirot ng aking tiyan dahil sa matinding gutom. Napahawak nalang ako sa aking tyan dahil sa sobrang sakit talaga. Akmang babangon na sana ako ng maramdaman ang matinding sakit hindi lang sa aking tiyan kun'di sa aking gitna.

Dahan dahan kong inalis ang aking kumot na nasa aking katawan. Wala sa sariling napatingin ako sa katawan kong ni isa walang suot na kahit ano. Mas lalong dumami ang pulang mga pantal na kahit saang sulok ng aking katawan ay meron atang pulang marka na gawa ni Demon.

Si Demon.

Kinuha ko ang kumot na nasa tabi ko lang saka dahan dahang pinalibot sa aking katawa. Saka nilibot ang aking paningin sa loob ng kwarto may ibang gamit na medyo hindi naka ayos napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan nararamdaman. Epekto ba 'to ng ginawa namin kagabi?

Mahina kong inangat ang aking katawan mula sa pagkakaupo sa kama kanina. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding epekto ng ginawa namin kagabi. Feeling ko namamaga na ang gitna ko dahil sobrang sakit pag gumalaw lang ako ng konte.

Akmang hahakbang na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at doon sumalubong sa akin ang mukha ni Demon. Agad nitong sinara ang pinto saka dali daling nilapag ang dala nitong pagkain sa kama saka lumapit sa akin at agad akong inalalayan.

"Where are you going?" Malambing ang kanyang boses habang nakahawak sa aking beywang upang alalayan ako.

"Sa banyo naiihi na ako." Mahinang sabi ko saka kumapit sa kamay nito. Isinawalang bahala ko nalang ang hiyang nararamdaman ko dahil kanina pa ako naiihi at nagugutom.

Tuluyan na kaming nakapasok sa banyo. Pero nagdaan ang isang minuto pero nanatili lang siyang nakatayo sa hamba ng pintuan at nanatiling sa akin nakatingin ang kanyang mga mata. Kaya napakunot na ang aking noo dahil sa kanyang ginawa.

"Lumabas kana." Mahinang usal ko. Bakas sa mukha nito ang pag protesta dahil sa aking sinabi. Ilang segundo ang dumaan nang narinig ko na ang buntong hininga nito.

"Just call me if you need my help love." Saka siya tuluyang lumabas ng banyo na kinahinga ko ng maluwag.

Dahan dahan akong umupo para umihi pero agad napapikit ang aking mata ng maramdaman ang pinaghalong sakit at hapdi. Mahina akong napadaing dahil sa sobrang sakit parang ayaw ko ng gawin pa yon sa susunod.

"Love are you okay there?" Rinig kong boses ni Demon sa labas saka nagpakawala ng tatlong magkasunod na katok.

"O-o huwag ka munang pumasok." Nilakasan ko ang aking boses para marinig niya mula sa labas.

Dahan dahan akong tumayo at agad pinulupot ang kumot sa aking katawan na tanging pumoprotekta sa aking katawan. Dahan dahan ang aking bawat hakbang habang tinungo ang daan papunta sa pintuan.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla iyong bumukas at bumungad sa akin ang mukha ni Demon. Dali dali siyang naglakad palapit sa akin at inalalayan ang katawan ko. Ihahakbang ko na sana ang aking paa nang sumidhi ang kirot na aking nararamdaman kaya napahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay.

"Let me carry you." Hindi na ako nakatanggi ng bigla ako nitong binuhat na pang bridal style.

Dahan dahan niya akong binaba sa gilid ng kama at inayos nalihis kong suot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang kumuha ito ng malaking t-shirt, pajama at ang damit na panloob ko. Biglang nanlaki ang aking mata ng lumuhod ito sa aking harapan hawak nito ang underwear ko. Nakatingin lang siya sa akin hinihinintay kong anong sunod kong gagawin.

"Kaya ko naman magbihis hindi naman ako baldado." Ani ko pero umiling lang ito saka marahang hinila ang kumot na pantakip ko sa aking katawan kanina.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now