CHAPTER 2

37 1 0
                                    



Maingay ang hallway ng dumaan ako, kanya kanya ng trabaho ang inaatupag ng ilan. Napailing nalang ako, ano pa nga ang aasahan mo sa isang pang mayaman na Unibersidad, alangan naman ay para na silang estatwa o robot.

"Catriona!" lumingon ako para hanapin ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Doon ko nakita si Maria na classmates ko sa isang subject ko.

Huminto ako saglit para madali lang niya akong maabutan. Pumwesto ako sa tabi para  malayang makadaan ang mga estudyante.

"Bakit?" tanong ko nang tuluyan na itong nakalapit sa akin.

"Pinapatawag ka ni Mrs Garcia nasa faculty siya." Sabi nito. Kahit nagtataka ay tumango nalang ako.

"Sige salamat Maria mauna na ako puntahan ko lang si Mrs Garcia." sabi ko at agad umalis matapos magpa alam sa kanya.

Kasalukuyan akong  naglalakad papunta sa faculty kong nasaan si maam Garcia. Marami pa ding estudyante ang nasa labas dahil meron pa namang tatlumpong minuto para magsimula ang klase namin sa araw na 'to.

Ano naman kaya ang kailangan ni maam sa akin?

Ilang minuto din akong naglalakad bago ako tuluyan nakarating sa office. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at tuluyang pumasok sa loob.

Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng kanyang office. Doon ko nakita si Mrs Garcia na kaharap ang laptop nito, pero kalaunan ay tumingin din ito sa akin. Ngumiti akong naglakad papunta sa pwesto niya.

"Good morning po." mahinang sabi ko.

"Good morning Miss Martinez, meron sana akong ipapakiusap sayo." ngumiti ito sa akin. "Sabi kasi ni Mr Velez ay magaling ka daw magturo ipapakiusap ko sana na ikaw muna ang mag handle ng klase ko ngayong araw. Dahil alam mo namang mahihirapan na akong maglakad dahil sa kalagayan ko." mahina nitong sabi nito. Tumingin ako kay Mrs Garcia buntis siya at malaki na rin ang kanyang tiyan. Sa tingin ko ay nasa pitong buwan na din 'to.

"Sige po." sabi ko.

"Salamat talaga sayo Miss Martinez. Eto ang kailangan mo ngayong araw para sa gagawin mong pag substitute sa akin. Huwag kang mag alala dahil mababait naman ang mga hina-handle kong estudyante." Nakangiting sabi niya. Tumango naman ako at kinuha ang inabot nitong mga gamit.

Agad akong lumabas ng faculty pagkatapos makausap si Mrs Garcia. Habang naglalakad ako ay doon ko nakasalubong si Mr Velez ang adviser namin.

"Good morning po." magalang na bati ko. Ngumiti si Sir Velez sa akin at tiningnan ang hawak kong gamit ni Mrs Garcia na pansamatalang ipapagamit niya sa akin ngayon.

"I'm glad na tinanggap mo ang hiling ni Mrs Garcia. Don't worry Miss Martinez you are excuse to  all of your class for this day." Agad lumiwanag ang mukha ko dahil sa aking narinig.

"Thank you prof." nakangiting sabi ko. Ngumiti din ito sa akin bago tuluyang umalis. Ako naman ay agad tinungo ang building ng freshmen. Dahil doon nagtuturo si Mrs Garcia.

Isang malakas na tunog ng Bell ang tanging naririnig mo sa bawat sulok ng University. Ang kaninang maingay na mga estudyante ay biglang tumahimik at napalitan ng maingay na school bell.

Unang klase ni Mrs Garcia ngayon araw ay halos lahat dito ay mayayaman. Siguro mabibilang lang ang kagaya kong scholar sa prestiryosong paaralan na 'to. Merong maarte na tinarayan pa ako na binalewala ko nalang. Meron namang imbes na mag sulat ay nakatitig lang sa akin na para bang ilang sandali nalang ang nalalabi ay matutunaw na ako.

Kong hindi ko pa sila tinakot na may extra points kong magsusulat sila ay tiyak akong hanggang ngayon ay walang magsusulat sa kanila. Mayaman nga naman.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now