CHAPTER 10

33 1 0
                                    

Tahimik na kumakain kami sa isang resto. Kakatapos lang namin nagpasa ng huling mga ipapasa namin dahil Christmas Break na. Eto kami ngayong apat kumakain pampawala ng stress nong nakaraang gabi simula nang nangyari sa bar.

"Mga sissy parang ayaw ko ng mag bar." ani ni isabella. Ingangat ko ang aking ulo para tingnan siya. Nakatulala ito sa kawalan na parang may malalim na iniisip.

"Ano bang iniisip ko sa mga oras na yon at bigla ko nalang naisipan na mag bar?" Parang tanga na sabi ni Kira na nakatitig sa pagkain na hindi pa niya ginagalaw.

"Ikaw sissy anong ginawa niyo ni Demon?" Tanong ni saffira sa akin.

"Wala na bukod sa sinermonan niya ako." Nakangiwing sabi ko bigla kong naalala ang paninermon ni Demon sa akin na parang papa lang. Papa.

"Yon lang?" Naningkit ang mata ni Saffira na tumingin sa akin.

"Oo." Sagot ko saka nagtatakang tumingin sa kanya.

"Ikaw sissy saan ka nong nagsimulang nagkagulo sa bar?" Tanong ni Isabella kay Saffira.

"Ah umuwi na ako." Sagot nito pero hindi nito nagawang tumingin sa amin bagkus ay kumain na ito ng pagkain na kanina pa niya tiningnan.

"Kumain na tayo dahil mukhang uulan." Sabi ko nang makita ang nagbabadyang ulan. Madilim ang kalangitan at nagsisimula na ding dumami ang tao para maghahanap ng masasakyang pauwi sa kani kanilang bahay.

Pagkatapos kumain ay sabay sabay na kaming umalis sa restaurant na yon. Isa isang nagpa alam ang tatlo na mauna na habang ako ay nasa labas pa din, nasa isang waiting sheed para humanap ng taxing masasakyan ko pauwi.

Saglit na nagpasilong muna ako dahil medyo lumakas na ang ulan. Nilinga ko ang aking mga mata nagbabakasakaling may taxi na paparating pero iba ang mahagip ng aking tingin. Isang familiar lalaki ang aking namayaan na maingat nitong inalalayan ang isang magandang babae. Sobrang laki ng ngiti ng babae na magigpit pang nakapulupot ang kamay nito sa beywang ng lalaking may hawak ng payong para hindi sila mabasa.

"Totoo pala ang balita na sila na ni Miss Maureen." Rinig kong sabi ng dalawang katabi ko na tulad ko ay sumilong muna habang nag aabang ng masasakyan.

"Bagay naman sila ang ganda ni Miss Maureen at sobrang gwapo pa ni Mr El Greco." Doon na ako tumingin sa kanilang dalawa nang marinig ang pangalang El Greco na siyang nakita kong kasama ang babaeng Maureen ang pangalan.

Muli akong tumingin sa kanilang kinaroroonan nakita kong may dinukot nang kong ano si Demon sa kanyang bulsa. Isang panyo na binigay nito sa babae para may pang punas sa basa nitong damit. Buti nalang at medyo tago ang kinaroroonan namin kaya hindi niya mahahalata kong sino ang mga nandito.

Kaya pala sinabi niya sa akin na hindi niya ako masusundo ngayon dahil iba pala ang kanyang sinusundo. Mapait akong napangiti at tumingin sa taas upang pigilan ang luha na malapit ng kumawala sa aking mga mata. Ang sakit. Parang may kong anong matalim na bagay ang paulit ulit na sumasaksak sa aking puso dahil sa aking nasaksihan.

"Miss okay ka lang?" Pilit ang aking ngiti na tumango sa katabi kong babae na nagtatatakang nakatingin sa akin. Pasimple kong pinunasan ang aking mga luha na kahit anong pilit kong kontrolin ay kusang kumawala sa aking mga mata.

"O-o ay-os lang ako." Sagot ko sa kanila saka umiwas ng tingin.

"Miss kong gusto mo ikaw nalang ang maunang umalis okay naman sa amin yon dahil may hinihintay pa kami." Nakangiting sabi ng isa.

"Maraming salamat." Ani ko saka tinungo ang taxing nakaparada sa aming harapan.

Wala akong payong na dala kaya ng makapasok ako sa loob ng taxi ay medyo nabasa ang aking damit. Agad kong kinuha ang panyo na nasa bag ko at pinunas sa aking braso na basa.

THE BILLIONAIRE ONLY OBSESSION Where stories live. Discover now