chapter 18

5.2K 121 2
                                    

"HER SIDE"

Cheska's POV

4 years, marami ang nangyari at ang papa ni Harris- este Gio pala ay hindi na kami ginambala. Ang totoo niyan nung panahong umalis ako sa Camiguin after that night ay nakipagkita ako sa papa niya para isauli ang 2 bilyon, pero ganun pa man ay tinupad ko ang kagustuhan niya, hindi na ako nakipag kita kai Harris, lagi ko siyang iniiwasan at nung second sem naisipan kong mag transfer. Pinaliwanag ko kina mama at papa ang lahat dahil alam kong maiintindihan nila ako at tama nga ako, tanging mga magulang mo lang ang makakaintindi sa iyo kahit pa nasasaktan ka na. Nag transfer ako sa Academia De Notre, pero laking gulat ko ng makita ko si Gio sa gate ng bago kong school, kaya bago pa niya ako makita ay tinawagan ko na si papa na wag na akong sunduin baka makita ako ni Gio. Mga 1 oras bago umalis si Gio at saka lang ako umalis sa aking pinagtataguan. Lumipas ang isang buwan at ganoon na lang ang gulat ko na hindi man lang ako dinalaw. Kaya naisipan kong mag pa check-up sa OB, at mas nagulat ako sa nalaman ko... umiyak ako dahil sa saya, excitement, lungkot at takot.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga panahong yun, pero dahil nandito na ito wala akong magagawa. Pinaliwanag ng doctor sa akin kung bakit ako nabuntis, syempre alam kong fertile ako kaya ganoon pero di ko akalain na magbubunga pala ang isang gabing iyon. Nagalit si papa sa rebelasyon ko that caused  him to slapped and cursed me to death  at panay lang ang iyak ni mama. Hanggang sa naisipan nila na ipadala ako sa Miami kung nasaan ang grandparents ko, nung una ayaw ko. Pero wala akong magawa. Gusto nila akong itago at yun lang ang naisip nilang dahilan para ilayo ako sa pamilya nang ama ng dinadala ko. Masaya naman ako doon, actually may naging kaibigan ako doon na pinoy, ay hindi pala kasi sabi niya pinay   daw siya. Florencio Santos a.k.a Flora, at sabi niya uuwi siyang Pilipinas kaya nandito ako sa airport para sunduin siya, besides kilala naman siya nina mama at papa kaya ayos lang. Siya pa nga ang tumulong sa akin sa pag aalaga kay baby G eh, kahit pa lagi siyang may date sinisingit niya pa rin kami ni baby G. Kaya love na love ko itong baklang ito eh.

"Mariaaaa !!!!!" yan yung tawag niya sa akin.. kainis nga eh.. Cheska Mari kaya pangalan ko..

Maka ganti nga..

"Florencio !!!!" at yayakapin na sana siya nang bigla ay--

"stop calling me in that name or else i'll slap you !" banta niya pero tinawanan ko lang siya. Kahit bakla ito hindi siya yung tipong cross-dresser. Talagang masasabi mong marunong siya rumespeto sa sarili niya despite of his true identity.

"ito naman, joke lang ! ikaw kasi tinawag mo na naman akong Maria !" sabay pout ko.

"mandiri ka nga Maria ! at wag kang mag pout hindi ka maganda ! ako lang ang hermosa rito ! wag ka nang dumagdag." napatawa ako sa sinabi niya.

"kaw talaga... hug na lang ako bakla na miss kita eh.." at nag hug kami ng mahigpit, nang bigla ay may lumapit sa amin. Papapicture raw kasi ang cute daw namign couple !?! goshh. nanayo balahibo ko sa batok.. promise !

Pero nagpa picture pa rin kami. *click*

"ba yan kailangan ko na talagang mag change outfit para iwas judgement." komento ni Flora ng makaalis na yung babaeng teenager na nag picture sa amin.

"hahaha ! wag uie. ang laki ng katawan mo, hindi bagay. Mas bagay sayo ang ganyan.. gwapong gwapo.. hahaha !" he just glared at me..

"che ! babalik na lang akong America, puro ka pang-iinis eh" akmang aalis na siya nang hilahin ko siya.

"uie.. wag kang o.a bakla at hinihintay na tayo nila mama at papa sa labas." at yun nga, we are about to step out when i met a hard and cold gaze, at tumingin siya sa pagkapit ko sa braso ni Flora.. for Pete's sake ! Gio Harris Yu ! hanggang dito ba naman ?!? Lord, pwede bang wag na kaming magkita pa ?

--------------

A/N: sorry sa late UD guys, na bug yung wattpad app ko.. kaya heto late ako. nga pala sensiya sa sabaw din na update. babawi ako sa susunod, tumakas lang ako sa bahay eh.. myehehehe..

abangan ang susunod na mangyayari :)

ATE CHERIKU <3

The Father of my babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon