"SAVOURING THE DAYS"
Cheska's POV
Masaya ako sa mga natitirang araw namin ni Harris, alam kong may kasunduan kami ng papa niya pero ito yung hiningi kong kapalit bago pa mangyari ang engagement niya sa ibang babae. Alam ko di ko iyon kakayanin. Masyadong masakit pero ayaw ko ring masaktan ang mga magulang ko dahil sa kagagahan ko, total love lang yan ! Makakahanap pa ako ... Kung makakahanap ? Haiii :(
Magka holding hands kami ni babe ko ngayon since walang pasok dahil tapos na ang finals tsaka clearance time na lang naman, madali lang makipag fun run sa mga prof namin. Susulitin ko muna ang mga araw at oras, nasa isang particular beach kami, sa Pagudpud. Sabi niya, maganda raw dito at tama nga siya, nakaka relax ang hangin at pansamantalang makakalimutan ko ang problema ko sa puso.
"Babe, pag nagpakasal na tayo, gusto ko bumalik tayo rito para sa honeymoon natin." At ngumisi siya ng nakakaloko. Hayyy mamimiss ko ito :(
Kaya imbes na sapakin siya dahil sa kamanyakan niya, humarap lang ako sa kanya kaya kami napatigil sa paglalakad at hinaplos ko ang pisngi niya saka ngumiti.
"Alam mo babe, naninibago ako sayo eh, hindi mo ako sinapak, siguro in love ka na talaga sa akin" at ngumiti siya ng wagas.
Kinurot ko siya bigla sa pisngi.
"Bigwasan kita eh pasalamat ka cute ka kaya kurot na lang." At tumawa ako tsaka binalingan ko ang magandang tanawin na biniyaya ng Diyos kagaya ng taong kasama ko ngayon. Haiii ... Parang ayaw ko siyang iwan...
Pumikit ako at naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
"Mahal na mahal kita, Cheska Mari Yu." Usal niya at randam kong sincere siya.
"Bakit Yu? Eh Reyes kaya surname ko" nakangiti kong sabi.
"Syempre in advance yan, dahil ikaw lang ang magiging misis ko, wala ka pang sagot ah..." Kunyari niyang tampo at agad akong humarap sa kanya.
"Bakit Mister Yu, nagtanong ka ba?" Maang-maangan kong untag sa kanya.
"Yes, Misis Yu kaya I badly need an answer " demanding ng loko oh... Nag pout lang ako.
Hahaha ! Tripan ko muna
"Wag kang mag pout baka ma advance ang honeymoon natin" tumaas baba ang kilay niya while grinning...
"Ahhh ! Simpatikong gwapong bastos !"At tumawa ako...
"At least inamin mong gwapo ako , oppss ! Walang bawian" at ninakawan ako ng halik sa lips saka tumakbo ang loko .
"Hoi magnanakaw !" Naghabulan at nagsabuyan kami ng tubig..
"Wala kang sagot eh ! Sabi ko. ! Mahal na mahal kita" pero hinabol ko lang siya.
Hanggang-
"Aray !" Daing ko ... Nilapitan niya ako agad...
Nasa may dalampasigan na kami at napaupo ako.
"Babe, anong nangyari?" Alala niyang tanong.
"Babe masakit..." At umiyak ako...
"Ano bang nangyari babe?" Tanong niya ulit.
"Natusok ako babe.." Sumbong ko sabay taas ng kamay ko.
"Saan ang natusok babe?" Sinuri niyang mabuti ang kamay ko... Nang bigla ay nagtaka siya dahil binawi ko ito ng dahan dahan mula sa pagkakahawak niya sabay turo ko sa dibdib ko sa may parte ng puso ...
Nagtaka siya sa inasal at ginawa ko. Pero ng ngumiti ako, doon niya lang na gets ang ginagawa ko. Hahahaha !
"Langya babe! Hooh ! Kala ko napano ka na ! Damn !" Napahawak lang siya sa beywang niya habang sinasabi yun habang tumatawa lng ako, sabi sa inyo eh :D
Trip lang :P
"Hahaha ! Babe kung kita mo lang sana pagmumukha mo ! Epic ! Hahahaha !" May pa hawak hawak pa ako sa tiyan ng kiniliti niya ako bigla sabay sabing :
"Trip pala hah? Ito tikman mo!" Nagpupumiglas ako hanggang sa nakahiga na ako sa buhanginan at siya ay patuloy lang, hanggang umawat na ako, nakakapagod tumawa.
Pareho kaming nakaupo sa buhanginan at tinatanaw ang sunset ng bumaling ako sa kanya bigla...
"Babe, mahal na mahal din kita..." And I gently pulled him to a kiss ...
Yung iyak ko kanina, totoo yun dahil talagang di ko kaya ang sakit kapag nawala siya sa akin pero wala akong magagawa dahil sa ngayon ito lang ang alam ko para sa pamilya ko at kinabukasan ng taong pinakamamahal ko.
---------*********---------
A/N : yehey ! Ako na ang nocturnal kaya naka award ako kay mama ng piso eh =___=
Kaya guys ! Basahin na ito dahil matutulog na ang dyosa ;)
Salamat 87 reads :*
Para sa inyo ang update na ito ... <3
Vote and comment naman para masaya :*
God bless sa inyo ^___^
Thankiiieeesss :*
Ate Cheriku <3
BINABASA MO ANG
The Father of my baby
RomantiekI don't have actually a good description for this story. I just want you to read it , if you want lang naman ^___^…