Chapter Sixteen
The Game Plan
Hindi man ako natutong mag-commute pero matututo pa rin ako ngayong gabi. It's my first time riding a motorcycle. Hindi naman iyon nakakatakot at wala naman akong phobia sa ganito, pero nagpatuloy ang pagwawala ng bagay sa dibdib ko habang yakap si Seidon ng mahigpit.
"You know the routine so practice it. Yeah, I'm driving. Oo ihahatid ko lang, babalik ako kaagad. Wait for me." kahit na mabilis ang takbo namin ay hindi nakaligtas sa akin ang boses niyang kausap ang kung sino gamit ang airpods.
"Yeah. Alright. Bye."
Bahagyang bumilis ang takbo ng matapos ang usapan.
"You okay?" malakas niyang tanong kahit na hindi naman dapat dahil halos nakadikit na ang mukha ko sa tenga niya. I'm too close and I have to be like this until I got off his bike.
"I am. Do you know the way?"
"I've been here long enough to know every place."
Humigpit ang yakap ko sa kanyang bewang kahit na hindi nagbago ang kanyang pagpapatakbo. Paano ba naman, I'm just wearing a shirt at sa lamig ng hanging sumasalubong sa amin ay nanginginig na ako.
"Are you cold?"
"I'm okay."
"You sure about that?"
"Malapit na naman tayo, 'di ba? I think?"
Instead of responding to me, he stopped his sports bike at the side of the road.
"Why?"
Tinanggal ko ang mga kamay sa kanyang katawan ng tuluyang pumirmi ang sasakyan.
"Baba ka muna." walang tanong ko siyang sinunod.
Nang makababa ako ay bumaba rin siya. We are in the middle of a silent road. May mga kuliglig sa paligid at tanging ilaw ng buwan at ng kanyang sasakyan lang ang liwanag na namamagitan sa aming dalawa. Ni walang poste o kung ano at malayo na sa bayan. Hindi ko alam ang eksakto naming lokasyon pero tiyak na may ilang minuto pa bago namin marating ang bahay.
Wala sa sariling nahigit ko ang paghinga ng muli kong matitigan ang mga mata niya matapos humarap sa akin. Good thing I was wearing a helmet dahil kung hindi ay makikita niya ang agarang paglunok ko ng matantong huhubarin niya ang suot na jacket para ibigay sa akin. Imbes na tumutol ay nanatiling tikom ang aking bibig ng lumapit siya't iabot sa akin iyon.
"Wear it."
"Paano ka?"
His lips just curved a smile. Imbes na sagutin ay muli na siyang sumampa pabalik sa motor kaya nagmadali na rin akong isuot ang kanyang jacket.
I don't know if it's right... basta ang alam ko ay natutuwa ako sa mga ginagawa niya. Though I won't consider him as my friend because all I did was avoid him the past few days, but it still feel nice when someone do something nice to you. Kahit simpleng pagpapahiram ng jacket na pangalawang beses na niyang ginawa ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami. I told him to stop one block before our house because I don't want to raise any questions. Alam kong once na may makakita sa kanyang hinatid ako ay malaking gulo na kaagad iyon.
"Thank you sa paghatid." sabi ko ng muling makababang muli sa kanyang motor, nanatili naman siya doon.
"Sigurado kang okay ka na dito?"
I nodded slowly.
"Ilang hakbang na lang naman tsaka ayaw kong may makakita rin sa 'yo. I don't want to get you in any trouble, you've done so much for me tonight."
BINABASA MO ANG
The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)
RomanceWARNING: MATURE/SENSITIVE CONTENT [ SPG | R18 ] A depressed teenager who always dreamed of becoming normal--discovers her worth through courageous forbidden love. Will that be enough to save her from her biggest downfall? Or will that only lead them...