Chapter Three
Sa gitna ng mga alon ay sumasabay ang mga luhang walang kawangis.
Ang bugso ng damdaming nagpapasakit ng walang mintis.
Sa batang pusong wala namang ibang ninais,
Kung hindi kasiyahang walang kapares.~ Bugso
•••
Tinapos ko ang minimalist sketch ng isang babaeng nakaupo at yakap ang magkabilang tuhod habang nanunuod sa mga along nasa kanyang harapan. Inilagay ko 'yon sa gilid ng tulang katatapos ko lang gawin. Bukod sa pagkahilig sa mga tula, nahiligan ko ring lagyan ng mga drawing ang bawat tulang ginagawa ko.
My handwriting is good and it's the only thing I can show off to people. Most of the times, my poems were written in monospaced or the one that looks like the font of a typewriter. I can play good with it. I can change my penmanship the way I wanted, parang editing application na maraming available fonts and ready to use.
Nang matapos ay nanatili sa gilid ng labi ko ang lapis na aking ginamit sa pag-drawing. Imbes na purong sketch ang laman ng panibagong sketch book na hawak ko, it's almost full with my poems. Ang mga tulang kahit sino ay wala pang nakabasa.
Napukaw ako sa mahinang katok sa aking pintuan.
"Lana, pinapatawag ka na sa baba ng Daddy mo. Nariyan na raw ang mga Antonov." umupo ako ng tuwid at agad na inayos ang mga gamit.
Inilipat ko lahat sa isang cabinet na mayroong lock at maingat na isinama sa ilang sketch book na punong-puno na ng tula.
Bago lumabas sa kwarto ay sumulyap ako sa orasang nasa gilid ng aking laptop. It's seven in the evening. Nagsimula akong magsulat pagkauwi ko galing sa eskwela at hindi ko na namalayan ang oras.
My family are having dinner tonight with the Antonov's. Bukod kasi sa bukas na papasok si Vince sa Unibersidad de Buenavista ay dito na rin ito titira ulit. His parents bought him a huge house near the school. Hindi magiging problema sa kanya ang pag-a-adjust sa lugar dahil halos lahat naman ng mga kaibigan niya ay narito at dito rin siya lumaki. His friends were studying in UDB, too.
Nalipat nga lang sila sa Pio Corpus ng magdesisyong pumasok sa politika ang kanyang ama. Powerful enough, hindi ito nabigo nang manalo sa pagka-mayor at ngayon nga ay nagbabalak nang tumakbo sa mas mataas na posisyon.
"Lana!" malawak na ngiti ni Paloma Antonov, ang unang bumati sa akin ng marating ko ang dining area.
Mabuti at bumaba na ako dahil kahit na hindi pa man sila nagsisimula, nakita ko na ang talim ng mga mata ng magulang kong parang gusto akong saktan at usisain kung bakit hindi ako bumaba ng maaga gayong alam ko naman ang pagdating ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)
RomanceWARNING: MATURE/SENSITIVE CONTENT [ SPG | R18 ] A depressed teenager who always dreamed of becoming normal--discovers her worth through courageous forbidden love. Will that be enough to save her from her biggest downfall? Or will that only lead them...