CHAPTER 9

59.7K 1.8K 253
                                    

Chapter Nine

Hanggang Dulo, Laura

Nahigit ko ang aking paghinga sa pangatlong pahina nang librong hawak ko. Sa ilang librong nauwi ko matapos ang araw na dinala ako ni Seidon sa silid na iyon ay ito lang ang naiba sa lahat.

This time, it wasn't a sketch book. It was like a diary that was written by someone named Phillip Labrador almost three decades ago. I closed the book and my heart ached more when I saw the words that were written on the cover.

Hanggang Dulo, Laura. Muli kong binuksan iyon para basahin ang nasa pangatlong pahina.

"Dahil mahal kita at mamahalin hanggang dulo kahit walang tayo.""

I felt the instant bile on my throat when my fingers run through his words. Wala pa man ako sa unang kabanata ay parang dama ko na ang mga luha at pighati sa mga salitang iyon. Hindi naman ako bihasa sa pagmamahal pero hindi ko maiwasang malungkot para kay Phillip dahil sa hindi pagpili sa kanya ni Laura sa kung ano mang dahilan.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang simulan ko nang basahin ang unang parte ng librong iyon.


Unang Kabanata

Sabi nila, kaya raw tayo nandito sa mundo ay dahil mayroon tayong misyong kailangang gampanan.

Sabi nila, ang buhay ay maiksi lang kaya huwag sasayangin.

Sabi nila, huwag maging maramot lalo na sa sarili. Ibigay mo ang lahat at gawin ang kung anong magpapasaya sa'yo.

Pero paano kung alam mo sa sarili mong walang kahit anong magpapasaya sa'yo?

Paano kung ang tanging gusto mo ay tinututulan ng lahat ng tao?

Paano kung ang tanging hiling mo ay ang pagtatapos sa lahat ng ito? Kamatayan para sa'yo? Dahil iyon ang tiyak mong magpapasaya sa'yo? Iyon lang ang tanging papawi sa lahat ng bigat sa mundo mo?

Iyon lang tanging gusto ko pero makulit ang mundo at ibinigay ang isang Laura Ludencio.

Ito ang unang kabanata ng pagmamahal ko para sa'yo...

Natigil ako noon sa pagguhit ng makita kita, Laura. Sa unang pagkakataon ay hindi ko na malaman kung ano ang pinaka-magandang nakita ko sa mundong ito bukod sa mukha mo. You were smiling, mukhang may nagpapakilig sa'yong kung sino sa kausap mo sa telepono.

Huminto ka ilang dipa sa akin. Napatuwid ako ng upo at naialis ang katawan sa punong sinasandalan ko. Pakiramdam ko kasi, kapag nanatili ako doon ay aatakihin ako... Aatakihin ako kapag hindi ko nakita nang malapitan ang mala-anghel na mukha mo.

Siguro nga ako ang pinaka-maswerte nang araw na 'yon dahil pinagbigyan ang hiling ko. Wala naman akong ginawa pero sa pagpihit mo, parang tuluyan nang huminto ang mundo ko... Napagtanto kong ikaw ang pinaka-magandang obra ng Diyos sa mundong ito. Your eyes were shining so bright like the stars beaming on a dark sky. Kumikinang hindi ko alam kung sa kilig o sadyang maganda ka lang.

You stood near me and my hand did the best thing it could to immortalize the moment. I couldn't take my eyes off of you, Laura. Ikaw ang pinaka-magandang nakita kong nilalang sa tanang buhay ko at iyon ang simula kung bakit nagustuhan kong kumapit at magkainteres sa buhay na ito.

Simula nang araw na 'yon ay inabangan kita. Sinasabi ng utak ko na imahinasyon lang kita at hindi na makikita pang muli pero mali ito.

I was so happy to see your again even though you're with someone else... Kahit na natigil ako sa paglapit patungo sa gawi mo dahil sa lalaking nakaakbay sa'yo... Sa lalaking kahit na hindi itanong ay siyang dahilan ng mga kilig mo. Ang lalaking nakabihag sa puso mong una pa lang ay pinangarap ko.

The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon