Chapter Fifteen
Commute
I'm not good in decision making. Noon pa man, hirap na akong magdesisyon dahil halos lahat ng mga iyon ay mali o di kaya naman ay napapasama ako sa dulo...
I sigh in frustration when my eyes shifted at the black gate. After almost twenty minutes of standing in front of a tree storey black building, I still can't make any decision. Oo nga't wala namang masama sa gagawin ko pero pakiramdam ko kasi ay hindi iyon tama. I'm just so scared of things falling apart or not going where as planned.
Sinulyapan ko ang aking orasan. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Pagkatapos naming mag-dinner ni Vince kanina ay nagpahatid ako rito para lang sana ibigay ang mga nahiram kong gamit, pero dahil biglang tumawag ang kaibigan niya't kailangan siya ay iniwan niya na lang ako rito.
"Bahala na..." I whispered to myself as I walk towards the gate.
Nagdasal na lang akong magiging mabilis ang lahat pero hindi ko pa man nalalapitan ang pakay ay bumukas na iyon kaya agad akong napaatras. Mabuti na lang at madilim na ang paligid dahil kung hindi ay agad akong mapapansin ng lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag ng matantong hindi iyon si Seidon. It was the same guy who saw earlier, Nicolaus.
Tahimik siyang naglakad sa gutter habang sinisindihan ang hawak na sigarilyo. Pagkatapos humithit ay tumingala at sinuklay ang buhok na hanggang balikat. Pinanuod ko siyang gawin iyon hanggang sa ilaglag niya ang upos at tapakan, pero sa pagpihit niya pabalik na sana sa loob ng building ay nahagip ako ng kanyang mga mata.
Nagmamadali akong lumayo sa halamang nasa tabi ko at tumuwid ng tayo.
"Hey..." naglakad siya palapit sa akin imbes na sa gate.
"H-hey..." nahihiya kong bati pabalik sabay taas kaagad ng hawak kong paper bag para ipaalala ang pakay ko. "I just wanted to return this to Venus and Seidon."
"I know," his lips curved a smile. Bahagyang hinipan ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kaliwang mata habang ang mga kamay ay ibinabalik sa magkabilang bulsa. "Glad you're not lost."
I nodded, mas lumapit pa sa kanya.
"Hindi naman mahirap hanapin 'to. It's the only black building here."
"Right."
"Are your cousins home?"
Lumihis sandali ang tingin niya sa gate bago ibalik sa akin.
"Vivi is on her way. Hindi ko lang alam kung anong oras eksaktong makakauwi, but Seidon is inside. 'Yon nga lang baka hindi ka malabas."
"Oh... Okay."
"Do you want to go inside?"
Mabilis akong umiling. "Pwede bang ikaw na lang ang magbigay?" I almost cursed myself at that.
What happened to stop asking someone stupid favors?
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko pagkatapos ay bahagyang umiling.
"Uhm, not being a douche, but you should go inside and give him that. Sandali lang naman 'di ba?"
"B-but–"
"Don't worry marami namang tao sa loob. Nagtuturo kasi si Seidon ng sayaw at hindi ko alam kung anong oras pa matatapos. He doesn't really like being disturbed while in the studio so it's up to you if you want to wait here forever."
Hinintay niya ang sagot ko, pero hindi ko nahanap ang boses ko hanggang sa makita siyang papasok na ulit sa gate.
"Wait!"
BINABASA MO ANG
The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)
RomanceWARNING: MATURE/SENSITIVE CONTENT [ SPG | R18 ] A depressed teenager who always dreamed of becoming normal--discovers her worth through courageous forbidden love. Will that be enough to save her from her biggest downfall? Or will that only lead them...