CHAPTER 2

92.7K 2.4K 475
                                    

Chapter Two

Be With You More

Napapikit na ako ng mariin nang dumaan ang mga ito sa harapan namin ni Zoey pero hindi dahil gaya nila'y nabaliw na rin ako kung hindi dahil sa muling pagbaon ng kamay niya sa aking braso!

"Oh my God! Nakita mo? Lana, did you fucking see how Nicolaus winks at me?!" mataas ang boses niyang nanginginig pa pero imbes na sagutin ay hindi ko na napigilang hawakan ang kamay niya't ilayo sa braso ko.

Para siyang uod na nilagyan ng asin na mukhang gusto pang maglupasay habang ang leeg ay humahaba't patuloy na sinusundan ng tingin ang aniya'y magpipinsang sinasamba ng lahat sa Unibersidad de Buenavista!

Imbes na mag-sorry ay agad niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at niyugyog!

"Lana, nakita mo ba? Nakita mo ba kung ilang segundo niya akong tinignan bago kindatan?!"

"Isang segundo–"

"Wrong answer! Two seconds and three hundred eight milliseconds!" masayang-masayang sabi niya sabay bitiw na sa akin at kuha ng kanyang telepono para habulin pa ng litrato ang grupong palayo.

I may not know Zoey that much pero dahil halatang malaki ang paghanga niya sa grupong 'yon at kung ako ang nasa posisyon niya ngayon ay baka ganito rin ang maging reaksiyon kapag naambunan ng pansin.

"Halika, sundan natin!"

"P-Pero Zoey–"

"Gaga, doon sila papunta sa bagong building at doon rin tayo pupunta kaya halika na! Chance na natin 'to!"

"C-Chance saan?"

Hindi na niya ako sinagot. Nag-focus siyang hilahin ako pero nang makitang nahati sa dalawang grupo ng magpipinsan ay natigilan siya. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin na tila hirap magdesisyon kung sino ang susundan.

"Shit naman!" palatak niya ng makita si Nicolaus na patungo sa lumang building at tanging si Venus lang at ang lalaking mayroong kulay abong buhok ang pupunta sa direksiyon namin!

Muli akong natawa. Siguro ay iyon nalang ang nagagawa kong ganti sa kanya sa ilang beses niyang pananakit sa akin simula kanina. Nakasimangot niya akong binalingan dala ang malungkot na mukha.

"Nakakainis ka, Svetlana Aleksandra!"

Muntik akong masamid sa sarili kong laway at agad na nahinto sa pagtawa ng marinig sa bibig niya ang buong pangalan ko. Looks like she did her research. Bukod kasi sa mga magulang ko, wala nang iba pang nakakaalam ng pangalan ko at walang tumatawag sa akin ng gano'n lalo na sa pampublikong lugar.

"Bakit ba kasi? Ano bang meron sa mga 'yon at mukhang patay na patay ka?" pagbabago ko nalang ng topic kaysa ang usisain siya kung ano pa ang alam niya sa akin, I'm sure marami siyang alam because it's her job to pretend to be my friend.

She blows out a breath and try to calm herself.

"Bakit? Are you curious now?" nakangisi niyang tanong pabalik sa akin gamit ang nang-uusisang titig. Umiling ako bilang sagot.

"Nagtatanong lang, masama? Tsaka sabi mo, ikaw ang tour guide ko at lahat ng meron sa lugar na 'to ay ipapaalam mo sa'kin, remember? You want to be my friend, right?"

"Fine," she said while we trudge forward the new building. "Alam mo kasi kung sasabihin ko kaagad lahat, hindi kakayanin ang buong araw mo pero gusto kong malaman mo na ang mga nakita mo kanina ay totoong sikat rito... They're the Cordova's."

"Hmm?" tumaas ang isang kilay ko, hinanda ang sarili sa mga idadagdag niyang impormasyon.

"Hindi lang sikat ang mga 'yon dahil sa kagandahan ng lahi nila kung hindi dahil sa mga angking talento nila. They are known to be the best dancers in this island at kung expose lang sila, siguro sasambahin na rin sila ng buong Pilipinas!"

The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon