Chapter Fourteen
Liwanag
Ikalawang Kabanata
Liwanag.
Minsan araw pero madalas si Laura. Paano ba naman, parang mas nakakasilaw pa nga siya kaysa sa araw. Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay parang lumiliwanag ang buong mundo. Parang hindi naimbento ang pagdilim ng kalangitan, ang kalungkutang dala ng ulan. Ang tanging dala ni Laura ay lamparang maningas at walang humpay na nagniningning.
Liwanag.
Minsan araw pero madalas si Laura... kahit na minsan ay pilit iyong tinatakpan ng kalungkutan, nananatiling siya ang liwanag na gusto kong titigan. Kahit pa mabulag ako.
"Hoy!"
Napapitlag ako sa paghampas ng kung sino sa braso ko. Handa na sanang manapak ang mga kamao ko dahil sa gulat pero ng makita ang liwanag ng buhay ko'y parang ang sarili ko na lang ang gusto kong sapakin. Paano ba naman, para na namang gago ang puso kong nagtutumalon sa grasyang nasa harapan ko.
Laura chuckled as she take a step towards me.
"Tulala ka! Kanina pa kita tinatawag!"
Hindi naman ako bingi pero para akong napipi at hindi kaagad nakapagsalita sa narinig. Tinatawag niya ako? Kanina pa? Tumama ba ako sa lotto ngayon? O sadyang gusto lang akong pakiligin ni Lord? Hallelujah!
Sabay kaming naupo sa parehong damuhan, sa tahimik kong tambayan at tanawan sa kanya.
"Bakit mo naman ako tinatawag? Miss mo 'ko?"
Muli niyang hinampas ang braso ko. Natatawa.
"Nakakarami ka na ha. Baka mahalin na talaga kita."
"What?!" She stop laughing at that.
Akala ko liwanag lang ang dala niya, malamig na tubig rin pala! Para kasi akong binuhusan no'n dahil nabigla rin ako sa sinabi ko.
"Wala! Ikaw kung ano ano ang naririnig mo!"
"May sinabi ka Phillip! Hindi ako pwedeng magkamali!"
"Kapag inulit ko ba may mangyayari?"
"Ano nga kasi 'yon?"
"Uulitin ko?"
Sumimangot siya, gusto lang talagang ipaulit sa akin kahit na narinig naman niyang talaga ang lahat. Ay sus, gusto lang yatang mahalin ko na talaga. Hindi bale, kapag nangulit pa siya pakakasalan ko na.
"Bakit mo nga ako tinatawag? Tsaka bakit ka pala nandito? Hindi ka busy? Close na tayo?"
"Feeling mo! Vacant ko tsaka busy mga friends ko ngayon. Pupunta sana ako sa gym kaso nadaanan kita. Nagd-drawing ka na naman?"
"Nagmumuni-muni pa lang. Bakit? Nasaan 'yong boyfriend mo?"
Sumandal siya sa puno. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.
"Ayon, hindi ko alam kung nasaan. Baka nambababae na naman."
"May babae ang boyfriend mo maliban sa 'yo?"
Nagkibit siya ng balikat. She said it like it was normal. Na parang tanggap na niya at hindi na big deal.
"Pumapayag kang gano'n?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Chismoso ka rin ano?"
"Aba't ikaw kaya ang nag-open up. Pumapayag ka?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)
RomanceWARNING: MATURE/SENSITIVE CONTENT [ SPG | R18 ] A depressed teenager who always dreamed of becoming normal--discovers her worth through courageous forbidden love. Will that be enough to save her from her biggest downfall? Or will that only lead them...