Chapter 8

44 4 0
                                        

Chapter 8

Gumaan ang loob ko kay Harvey, tapos habang tinitignan ko siya. Nakakainlab ang gwapo gwapo niya, sarap halikan ng mga pula niyang labi. Shet, ano ba tong iniisip ko.

"Cassie!" sigaw ng boses babae.

Napalingon ako sa likod at si Toni lang pala iyon.

"Cassie, andiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." sabi niya.

Tumayo ako at agad ng pumunta kay Toni.

"Harvey, una na ako ahh." sabi ko at ngumiti.

Naglakad kami ni Toni papuntang room dahil nag-bell na rin.

"Ui, bakit mo kasama yung Harvey na yun?" tanong ni Toni sakin.

"Bakit? Ano namang masama? Mabait naman siya ahh." at sobrang gwapo hihihi.

"Kasi, siya yung nagpatalo sa school natin sa football. Kaya nga siya natanggal, at alam ng lahat na mahirap lang siya. Kaya nga iniiwasan siya ng marami, kahit ang gwapo niya. Mahirap at ayaw na sa kanya ng mga teachers dito." sabi ni Toni.

Hindi nalang ako umimik. Lampake, ano naman kung mahirap siya at ano naman kung siya yung nagpatalo sa football ng school? Basta ang gwapo niya. Ayy, ano ba tong utak ko. Muntanga. Ngayon nga lang ulit ako kiligin, after nung break-up namin ni Theo.

Pumasok na kami sa room at umupo na sa mga upuan namin, at saktong pagkapasok ko ay pumasok na rin si Teacher Bryan. Tumingin ako sa likod para silipin si Harvey at nakita ko siyang nakatingin sakin. Asdfghjkl! Kinikilig ako! Enebe. Humarap ako kay Teacher Bryan at sinampal ang isang pisngi ko. Ano ba tong iniisip ko, nasisiraan na yata ako ng ulo.

"Para kang tanga, gusto ko ako na ang sumampal sayo?" sabi ng katabi kong si Zoey.

Epal naman tong babaeng to. Ikaw hampasin ko diyan eh, panira ka ng moment. Kainis. Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayoko ng gulo.

"Okay, class. May essay writing contest pala tayo about sa importance ng english language. Sino ang mag-vovolunteer na sumali?" tanong ni Teacher Bryan.

Marami na akong experiences sa essay writing contest na yan, ako nga laging panalo sa school namin sa France. Ako pa ba? Hahahaha. Hindi sa pagmamayabang totoo lang kasi lol.

Nagtaas ng kamay si Zoey, pero lampake. Kanyang kanya na yan.

"Okay, i-try natin ang galing ni Ms. Cassandra Lopez. Kasi sa pagkakaalam ko, ikaw lagi ang nananalo sa essay writinh contest sa France. Am i right?" sabi ni Teacher Bryan.

What the? Bakit ako? Paniguradonh si mommy nanaman ang may pakana nito! Hayy. Okay, tanggapin ko nalang. Mahirap makipag-debate kay mommy.

"Okay po." sabi ko nalang.

Nakita ko sa peripheral vision kong nakatingin sakin si Zoey, kaya napatingin din ako sa kanya.

"Goodluck." sabi niya na may halong sarcasm at tinaasan pa ko ng kilay.

Teka, kanina pa to ahh. Ano bang problema nito sakin? Insecure lang? Kaasar.

Nung nagdismiss na ang klase ay agad na akong pumunta sa parking lot ng school, at sumakay na agad ako sa kotse kung saan nandoon si Manong Roberto, gusto ko ng umuwi. Nasira ang araw ko ng dahil kay Zoey. Bakit ba ganun siya? Wala naman akong ginagawang masama, hindi ko na nga lang siya pinapansin. Tsss.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon