Chapter 10

48 4 0
                                    

Chapter 10

Zoey's POV

Ako si Zoey, ako ang president lagi mula elementary. Ako din ang palaging nangunguna sa lahat ng subjects, masipag akong mag-aral dahil alam kong iyon lang ang tanging paraan para maiahon ko ang aking pamilya sa kahirapa. Akala ng marami ay isa akong mayaman porket nag-aaral ako sa private school at napaka-mahal ng tuition fee. Pero ayokong pasabi na scholar lang talaga ako dito, yes. Walang nakakaalam, dahil ako'y nahihiya.

"Ohmygod! Si Theo..." sabi ni Care na nasa gilid ko.

Mabait itong si Care kaso may pagka-malandi rin pagdating sa mga gwapong lalaki na mala-Christian Grey ang dating. Lol.

"Zoey, look! Si Fafa Theo ko. Ang ganda ng kotse." sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Charisse, na nasa kabilang gilid ko.

Ito namang si Charisse, ewan ko paiba-iba mood nito tas madalas nang absent dahil masakit daw lagi ulo niya. Ewan, may tumor na yata sa utak ito. Pero wag ka, mahal ko yang dalawang yan.

"Pogi? Saan banda. Mag-focus nalang kayo sa pag-aaral niyo. Puro kayo kalandian." sabi ko sa kanila habang papasok kami ng school.

"Grabe, hindi ka ba napopogian sa kanya?" sabi ni Care.

"Lampake. Ang gusto ko makatapos at hindi lumandi." sabi ko sa kanila.

Naglakad lang ako ng tahimik hanggang sa makarating ako sa room. Habang yung dalawa kong nasa likod na si Charisse at Care ay daldalan ng daldalan tungkol sa Theo na iyon. Pogi siya sa totoo lang. Kaso ewan, pero di ko siya type. P.S malandi ako pero tago at konti lang huehuehue. Wag kayo maingay ssshhhhh. Nasa tabi ko nga pala si Cassandra. Ewan, pero mula ng dumating siya mukhang may kaagaw na ako sa trono ko bilang isang first honor. Nakakaasar, tas nakikilala agad siya sa school kasi ang ganda ganda niya. Hindi ko alam pero sa mga iniisip ko nagmumukha akong insecure.

Pumasok na rin si Sir at binati na namin agad siya ng "Good Morning." after nun ay may announcement daw siya mamaya after niya mag-lecture. Ayun, habang naglelecture si Sir Bryan ay tinititigan ko ang katabi kong si Cassandra. Ang ganda ng features ng mukha niya, tas ang puti puti pa niya. Maputi ako pero mas doble ang puti niya sakin. Tas mukha siyang anghel, ang amo-amo ng mukha niya. Ano ba to?! Ano bang nangyayari sakin?! Dapat nga mabuwisit ako sa kanya. Kasi mukhang may bagong teacher's pet na at si Cassandra yun! At hindi na ako! Nakakainis!

"Okay, ito na ang announcement ko." sabi ni Teacher Bryan, after niyang mag-lecture.

"Let's all congratulate Cassandra Lopez, dahil siya ang 2nd sa contest." sabi ni Teacher Bryan.

What?! 2nd lang? Akala ko ba lagi siya ang nananalo? Tinignan ko ulit si Cassandra. Nakita kong nakangiti siya pero ang lungkot ng mga mata niya. Bakit kaya?

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon