Chapter 3

70 6 1
                                    

Chapter 3

Cassandra's POV

Matapos yung iyong nangyari sa river side ay medyo hindi ko siya matanggal sa isip ko. Dahil kasi sa panyo ko kaya nahulog siya sa ilog, feeling ko ako talaga ang may kasalanan. Kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan dahil siya naman talaga yung kumuha noong panyo ko.

"Nak, mukhang ang lalim ng iniisip mo huh?" sabi sakin ni mommy habang nanonood ako sa TV namin sa sala.

"Ahhh, hindi naman po." sabi ko nalang at ngumisi.

"Dalawang araw nalang at pasukan na pero next week ka pa papasok dahil late ka na nakapagenroll." sabi ni mommy.

"O-Oo nga po eh." sagot ko.

"Hayy... May laban pa pala ang school natin sa isang sikat at magandang school din dito sa Pilipinas, finals na iyon at sana naman manalo tayo." sabi ni mommy.

"Sana po." sabi ko at ngumiti.

Tumayo si mommy at umakyat na pupunta yata sa kwarto niya. Gusto kong kumain ng balot. Yes, balot! Isa iyon sa mga namiss ko sa Pilipinas. Alam ko na magpapabili nalang ako kay Mang Roberto mukhang malayo-layo dito ang bilihan noon eh.

"Manong Roberto!" sigaw ko ng nakita ko siya sa garage at naglilinis ng sasakyan.

"Bakit po?" tanong niya.

"Bili mo naman po ako ng balot mga tatlong piraso lang po." sabi ko at binigay ang P1,000 cash pambili ng tatlong piraso ng balot.

"Aba'y sige at tatapusin ko lang ito. Ang laki naman ng pera mo, wala ka bang barya?" tanong ni mang Roberto.

"Wala po eh, sa inyo nalang po iyong sukli." sabi ko at ngumiti.

"Salamat hija." aniya.

Pumasok na ulit ako sa bahay at nanood muna ng TV habang naghihintay ng pinabili kong balot. Hapon na. Hayy... Ang bilis naman ng panahon.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Mang Roberto at may dala-dalang balot.

"Ma'am Cassandra, ito na po." sabi ni Mang Roberto at inabot sa akin iyong plastic na naglalaman ng balot.

"Salamat po!" sabi ko at dumiretso sa dining room para doon kainin ang balot.

Binuksan ko ang isa at kinain na ito may asin na rin pala sa loob ng plastic. Ohmygosh! I've missed this so much! Ang sarap talaga ng balot. Habang patuloy lang ako sa pagkain ko ay nagulat ako ng pumasok si mommy sa dining room.

"Kumakain ka ng balot? Ewww, it's so disgusting. Tigilan mo na ang pagkain niyan." sabi ni mommy at tinakpan pa ang kanyang ilong gamit ang likod ng palad niya at umalis na sa dining room.

Hindi ako nagmana kay mommy na may pagkamaarte, siguro ay nagmana ako kay daddy.

Matapos kong kumain ng balot ay syempre nagtoothbrush ako at pumunta na sa kwarto ko.

"Ma'am, may bisita po kayo." sabi nung isa naming maid.

Huh? Bisita sino naman kaya iyon? Wala naman akong inaasahan na bisita huh. Tsss.

"Sige po, papasukin niyo nalang sa kwarto ko thanks." sabi ko.

Nagdadrawing lang ako ng kung ano ano sa table ko sa may kwarto ko. Mga anime characters, isa din kasi sa mga hobby ko ang pagdadrawing. Napalingon ako ng unti-unting bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako kung sino iyon. Siguro iyon yung bisita ko daw.

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa nakita ko. S-Siya si Theo, Theo Hernandez. Siyang yung ex ko at first boyfriend ko. A-Anong ginagawa niya dito?! Napatayo ako at humarap sa kanya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hi, Cassie." sabi ni Theo at ngumisi pa.

"Wag mo na akong tawagin sa nickname ko. Cassandra nalang ang itawag mo sakin." mariin kong sinabi.

"Ohh, okay. Lalo kang gumanda ah." aniya.

"Thank you." mariin kong sinabi ulit.

"Uhm... Hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka pala dito sa Pilipinas." sabi ng nakangising si Theo.

"Bakit ko pa kailangan sabihin? Eh, baka busy ka sa paglalaro mo ng football." sabi ko.

"Ahh, oo nga eh. Malapit na ang finals namin sana manalo kami noh. Sana manalo ang Cambridge University." sabi niya.

A-Ano? Sa Cambridge University siya nag-aaral? Hala! Ibig sabihin mukhang araw-araw kami magkikita doon sa school ni mommy kapag nagumpisa na akong pumasok doon ahh. Tsss.

*FLASHBACK*

"Happy Birthday Cassie! Happy Birthday Cassie! Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday Cassie!" sabi ng mga pinakaclose kong kaibigan sa France at ang boyfriend kong si Theo.

1st year Highschool palang ako at 1 year na kami ni Theo Hernandez, pangarap niyang maging isang sikat na football player someday, kaya naman pinagbubutihan niya ang pagiging isang football player niya. Parehas kaming nag-aral dito sa France ng elementary at ngayong 1st year higschool na kami dito ay classmates pa rin kami. Sinurpresa pa ng niya ako nitong favorite kong 'Ice Cream Cake' eh.

"Can you please, leave us alone for a minute." nagulat ako sa sinabi ni Theo sa mga kaibigan namin.

"Why?"

"I think they need some privacy."

"Yeah, they need some privacy. I guess." sabi ng mga kaibigan namin sa France at ngumisi pa. Tuluyan na silang lumabas, kaya nagsalita na ako.

"A-Ano yun?" sabi ko at umiinit ang pisngi ko dahil yata sa pagbablush.

"Babalik ako ng Pilipinas para doon nalang sumali sa isang football club. Ayoko kasi na puro foreigners at hindi ko naman kalahi ang kasama ko dito sa football club na ito. Gusto ko ako mismo ang magpanalo sa bansa natin!" sabi ni Theo na siyang ikinagulat ko.

"So, iiwan mo ko?" sabi ko at tumulo ang luha ko.

"Im so sorry pero mahalaga ang football para sakin. Kaya magbreak na tayo, sorry talaga." aniya at umalis na siya.

Mas mahalaga ang football para sa kanya kaysa sa akin? Tsss. Iniwan niya ako ng luhaan sa lugar na iyon. Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan ang unti-unting natutunaw kong 'Ice Cream Cake' bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang birthday ko? Tsss.

*END OF FLASHBACK*

"Umalis ka na. Marami pa akong gagawin." sabi ko at pinagpatuloy ako pagdadrawing ko.

"Pero-" sabi ni Theo na agad kong pinutol.

"Umalis ka na!" sigaw ko.

Narinig ko nalang na unti-unti ng nagsarado ang pinti ng kwarto ko. Damn! Dammit! Bakit ka pa nagpakita?! Naiirita ako! Dammit!

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon