Chapter 1

184 6 0
                                    

Chapter 1

Nandito ako ngayon sa Airport. Salamat at nakauwi na rin ako sa Pilipinas, hayyy... Namiss ko ang Pilipinas pati si mommy na medyo strict na-miss ko pa rin. Syempre mommy ko yun eh. Naglakad na ako patungo sa labas ng Airport, ang alam ko ay si Manong Roberto ang susundo sakin. Siya ang matagal nang driver ng pamilya namin. At tama nga ako, nakita ko na siya sa labas at naghihintay sa tabi ng itim na kotse.

"Ma'am Cassandra, why did you suddenly come back here in the Philippines?" tanong ni Manong Roberto nang makalapit na ako sa kanya at sa kotse.

"The weather in France is too depressing." yun nalang ang sinabi ko.

Hayy... Itong si Manong Roberto talaga, mahilig mag-ingles kapag may sinusundo galing Airport. Tsss. Binuksan niya na ang kotse sa likod at sumakay na ako, sumakay na rin siya sa driver's seat.

Ako nga pala si Cassandra Lopez tinatawag ako ng ibang kaibigan ko noon na Cassie, isang 3rd year highschool student. Anak ako ni Vicky Lopez, si mommy ay isang may-ari ng isang sikat na school sa Pilipinas na nangangalang "Cambridge University", wala na akong daddy matagal na siyang nasa heaven mula nung bata pa ako. Nag-iisang anak lang ako kaya masyadong strict si mommy sakin. Pinag-aral niya ako ng elementary sa France, pati ngayong highschool gusto niya sa France parin ako mag-aral, pero nakiusap akong sa dito sa Pilipinas nalang mag-aral kahit sa school na pagmamay-ari  nalang niya basta dito sa Pilipinas.

Nakarating na kami sa bahay at pinagbuksan na agad ako ni Manong Roberto ng pinto sa kotse. Nakabukas na yung gate kaya tumakbo na ako papasok ng bahay. Siguro ay nandito si mommy dahil may isang linggo pa bago magpasukan, late na nga ako magpapaenroll eh. Pumasok ako sa bahay at nakita ko na agad ai mommy na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.

"Hi po mommy!" bati ko at ngumisi.

"Hello, Cassandra. Welcome back! Sana ay ipinagpatuloy mo nalang ang pag-aaral mo sa France kaysa umuwi ka pa dito." sabi ni mommy.

Hindi nalang ako umimik, mas gusto ko talaga dito sa Pilipinas eh. Umakyat nalang ako sa aking kwarto. At sumunod naman agad ang iba naming maids na inakyat ang mga gamit ko.

"Thanks, palapag nalang po diyan." sabi ko sa dalawang maids na nag-akyat ng gamit ko.

Namiss ko tong kwarto ko! Grabe walang pinagbago. Hayy! Pumunta ako sa napakalambot kong kama at humiga. Ang lambot, ang sarap pa rin talagang matulog. Ayy! Aayusin ko pa mga damit at ibang gamit ko pala tapos pahiga-higa pa ako. Tumayo ako at inayos ang mga damit at iba ko pang gamit.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako para umalis at mamasyal sandali, dahil napakatagal ko ding nawala sa Pilipinas.

"Saan ka pupunta Cassandra? Kararating mo lang ahh?" sabi ni mommy at tinaas ang isang kilay.

"Uhm... Mommy, puwede pong mamasyal lang ako kahit sandali lang po." sabi ko.

"Tsss. Sige, huwag kang magpagabi." sabi ni mommy at nanood nalang ng news sa TV.

Umalis na ako maglalakad-lakad lang ako hanggang sa makalabas ng subdivision at pumunta kahit saan. Naglakad-lakad ako at hindi ko namalayan na nakalabas na ako sa subdivision at malayo-layo na rin ang nalakad ko. Nay nakita akong isang lalaki na naka-upo sa riverside. May ilog pala dito. Lumapit ako doon sa lalaking iyon at nagulat siya ng nasa tabi niya na ako, titig na titig siya sakin. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at nilipad yung hawak ko kulay white handkerchief.

"Ohh!" napatili ako ng nilipad yung panyo kong white.

Biglang tumalon yung lalaki at kinuha sa hangin yung panyo kong kulay white. Nakuha naman niya yung panyo ko pero bigla siyang nalaglag sa ilog. Holooo! Anong gagawin ko?! Tatawag ba ako ng tulong? Tumakbo ako para tumawag ng tulong. Nakatawag nga ako ng tulong pero pagdating ko sa ilog yung lalaking nahulog sa ilog ay wala na. Hala! Baka nalunod na talaga yun.

"Miss, wala naman eh." sabi nung lalaking hiningan ko ng tulong.

"B-Baka may tumulong or worst nalunod?" sabi ko.

"Lulutang yun kusa kapag nalunod. Tsss. Istorbo ka miss eh." sabi nung lalaking hiningan ko ng tulong at tuluyan ng umalis.

Ang gwapo nung lalaking yun ahh. Pero guni-guni ko lang ba siya? Baka nalunod na siya? Ayy! Hindi ko alam, uuwi na ko samin at baka hinahanap na ako ni mommy.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon