Chapter 6

41 5 0
                                    

Chapter 6

Cassandra's POV

Ito na, papasok na ako sa school. Medyo kinakabahan pa ako ngayon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Halos naiihi na ako sa sobrang kaba.

"Handa ka na ba sa pag-pasok ngayon? Ipapakilala ka ni Teacher Bryan sa new classmates mo. Sa 1-A kita ilalagay." sabi ni mommy.

"O-Opo." sabi ko naman.

"At ayokong may makakaalam na anak kita? Maliwanag? Kasi baka magreklamo sila at sabihing anak kita kaya agad kitang nilagay sa section 1-A at sabihing may bias ako. Mas mabuti na ang tahimik nalang." sabi ni mommy.

Tumango ako at sumakay na siya sa kotse niya patungong school, ako naman ay sa ibang kotse para hindi kami pag-usapan na bakit kami magkasama sa iisang kotse. May driver siya, at ako rin meron si Manong Roberto.

Nang makarating na ako sa Cambridge University ay agad kong hinanap ang Building C at nang nahanap ko ang Building C ay agad akong umakyat sa 2nd Floor at pumunta sa section 1-A. Bago pa ako makapasok ay may tumawag sakin.

"Cassandra." aniya.

Lumingon ako at nakita ko ang isang teacher. Ito ba si teacher Bryan? At paanong nakilala niya ako agad? Siguro ay pinakita na agad ni mommy ang picture ko.

"S-Sir, bakit po?" sabi ko.

"Ako muna ang papasok at kapag sinabi kong come in, tsaka ka pumasok. Understood?" aniya.

"O-Opo." sabi ko.

Alam niya yata yung tungkol samin ni mommy? Na si mommy ang director nitong school at ako ang anak niya.

Pumasok na siya at naririnig ko dito sa labas ang sinasabi niya sa loob nung room.

"Okay, may bago kayong classmate. Siya ay transferee at galing pa siyang France." sabi ni Teacher Bryan.

"Sino po?" sagot nung mga estudyante sa loob.

"Please, come in." sabi ni Teacher Bryan.

Pumasok ako at nagulat lahat ng mga estudyante na makita ako.

"Wow, ang ganda niya." sabi nung mga babae sa harap.

"Liligawan na kita, miss." sabi nung mga lalaki sa gilid.

Na-overwhelmed naman ako sa sinabi nila. *Flipps hair*

Ngumiti ako at tinignan ang mga bago kong classmates. Nagulat ako ng makita ko yung lalaking nakakuha ng panyo ko, yung nahulog sa ilog. Tapos nakita ko siyang gulat na gulat din, nakaupo siya sa likod. Tapos hindi lang yun nakita ko din si Theo na nasa medyo gilid sa bandang kaliwa. Gulat din ang facial expression niya.

Tadhana, nananadya ka ba? Bakit napunta ako sa section 1-A.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon