Chapter 7

54 5 0
                                    

Chapter 7

"Okay, so siya ang bago niyong classmate. Magpakilala ka." sabi ni Teacher Bryan at humarap sakin.

"Okay po. So, Hello everyone. Ako po si Cassan-" hindi natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Teacher Bryan.

"No, magpakilala ka gamit ang French." sabi ni teacher Bryan.

Porket ba galing ng France, kailangan gamun yung salita? Tsss. Ano pa bang magagawa ko? Pakana nanaman siguro to ni mommy.

"Salut, mon nom est Cassandra Lopez. Je veux que vous soyez tous mes amis, merci. (Hi, my name is Cassandra Lopez, sana ay maging kaibigan ko kayong lahat, thank you.)" sabi ko.

Namangha naman halos lahat ng classmates ko. Dahil gulat na gulat ang ekspresyon nila.

"Wow, ang galing." sabi ng mga classmates ko.

Nang lumipat ang tingin ko ay napadpad uli ito kay Theo. Nginitian niya ako pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Doon ka umupo sa tabi ni Zoey." sabi naman ni Teacher Bryan at itinuto niya iyong uupuan ko doon sa gitna sa pinakaharap.

"Uhm, hi." sabi ko dun sa Zoey daw, pagkaupo ko.

Inirapan niya ako. Anong problema ng isang to? Ihampas ko sa kanya tong takong ko eh. Pero joke lang yun, unang una wala akong suot na takong ngayon, pangalawa bawal dito ang magtakong.

"Okay, roll call tayo." sabi ni Teacher Bryan.

Pagkadating doon sa Harvey Chavez na pangalan ay natigilan si Sir.

"Present." sabi nung Harvey.

Nilingon ko siya, at nakatitig pa rin siya sakin. I knew it! Siya nga talaga yun! Yung sa river side!! Harvey pala ang name niya.

"YOU PUNK! BAKIT KA PA PUMASOK?!" sigaw ni Teacher Bryan.

Nagulat ako ng sumigaw siya, bakit? Ano kasalanan ng Harvey na ito?

"Sir, nag-leave po ako sa football club pero hindi pa po ako umaalis ng school." sabi ni Harvey.

Nag-umpisa na ang lectures. At napag-alaman kong si Zoey pala ang number 1 dito sa klase. At siya din ang president dito dahil nakasulat iyon sa likod ng room, naka-post yung sulat ng mga top at officer ng klase doon sa pinaka-likod. Ang ganda niya ahh, tapos matalino pa. Edi wow.

Nang mag-dismiss na ay agad akong umalis sa room, ako yata ang naunang umalis ng room. Kasi baka kausapin ako ni Theo, kaya umalis nalang ako agad. Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng pagkain doon. May biglang lumapit saking isang babae.

"Hi, ako nga pala si Toni." aniya at kinamayan ako.

Classmate ko rin to, siya yung nasa harapan na medyo gilid.

"Hi, Cassandra." sabi ko at inabot ang kamay niya.

"Puwedeng sumabay?" aniya.

"Sige, upo ka." sabi ko at umupo naman siya sa kaharap kong upuan.

Nagkuwentuhan kami, hanggang sa halos maging close na kami. Kahit isang araw lang.

Pagkatapos nun ay nagpaalam siyang pupunta muna sa comfort room. Hindi ko alam kung iihi siya o mag-so-something lol. Ang tagal niya kasi eh, kaya pumunta muna ako doon sa may garden.

"Hi Miss." nagulat ako sa boses na iyon kaya napalingon ako.

Si Harvey Chavez lang pala.

"Uhm, hi." sabi ko at ngumiti.

Pumunta siya sa tabi ko.

"Yung panyo mo, hindi ko pa pala naiisauli." aniya.

"Okay lang." sabi ko at tumawa.

"Bukas ko nalang ibibigay." sabi ni Harvey.

"Sige, pero bakit ba ang init ng dugo sayo ni Teacher Bryan?" tanong ko.

Kinuwento niya sakin ang lahat lahat. Pati yung pangarap niyang maging isang sikat na footballer, sinabi din niya. Habang nagkukuwento siya ay tinititigan ko siya. Ang kyoot niya

Hindi pala siya mayaman, pero atleast may pangarap siya sa buhay.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon